CWS, nagpahayag ng suporta sa Cagayan valley 11

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,549 total reads

Sinuportahan ng Church People Workers Solidarity o CWS ang ‘Cagayan Valley 11’ na mga human rights defender na kinasuhan ng paglabag sa Terrorism Financing Law.

Iginiit ng C-W-S na hindi dapat ituring na terorismo ang aktibismo at dapat mawakasan na ang mga kasong tinawag nitong “trumped-up charges” laban sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao.

Nanawagan ang C-W-S na ipawalang bisa ang mga kaso laban sa Cagayan Valley 11, na mga environmental defenders sa Nueva Vizcaya at iba pang political detainees.

Hinimok din ng CWS ang Kongreso na ipawalang-bisa ang Republic Act No. 10168 at isulong ang mga batas para sa repormang agraryo, pangangalaga sa kalikasan at katarungang panlipunan.

Binigyan-diin ng C-W-S na “ACTIVISM IS NOT TERRORISM” at hinimok ang publiko na ipaglaban ang karapatang pantao at makiisa sa Cagayan Valley 11.

Naunang kinundena ng Umaddang Cagayan Valley Para ti Karbengan o “Cagayan Valley Moves Forward for Rights – Cagayan Valley Advances for Rights”, ang paggamit sa Republic Act No. 10168 o Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 laban sa 11 human rights defenders.

Naninindigan at ipinaabot ng grupo ang suporta sa Cagayan valley 11 na sina Agnes Mesina, Isabelo Adviento, Cita Managuelod, Jackie Valencia, Deo Montesclaros, Renato Gameng, Mafel Macalanda, Anne Marie Pascual, Nelson Escalante, Walter Villegas at Jhames Paredes.

Sinabi ng grupo na hindi makatarungan ang ginawa ng gobyerno na“weaponization” of terrorism financing para supilin ang mga human rights defender na ihayag ang laganap na paglabag sa karapatang pantao sa Cagayan valley.

Binatikos ng grupo ang patuloy na ‘criminalization ‘ sa mga aktibistang nagsusulong ng karapatan ng mga magsasaka, pangangalaga sa kalikasan at karapatang pantao.

Inilantad din ng grupo ang military activities sa Cagayan valley, pang-aagaw sa lupa, suliranin sa pagmimina at laganap na kahirapan dulot ng El Niño phenomenon sa sektor ng agrikultura.

Unang hinimok ni Pope Francis sa kaniyang Ensiklikal na Laudato Si ang sanlibutan na kagyat na pangalagaan ang kalikasan na nag-iisang tahanan ng sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 38,080 total reads

 38,080 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 88,478 total reads

 88,478 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 136,349 total reads

 136,349 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 240,297 total reads

 240,297 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 324,438 total reads

 324,438 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top