Hindi imposible ang kabanalan sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 832 total reads

Ipinakitang posible ang kabanalan sa mga kabataan sa pamamagitan ng buhay ni Saint Carlo Acutis.

Ito ang buod ng pagninilay ni Archbishop Emeritus ng Diocese of Perugia-Città della Pieve – Cardinal Gualtiero Bassetti bilang huwaran ng pananalig, panalangin at pagmamahal sa kapwa sa paggunita sa unang anibersaryo ng Canonization ng Batang santo.

Sa Banal na Misa sa Sanctuario Spogliazione sa Assisi, Italy, sinabi ng Cardinal na naipakita ni Acutis na ang landas tungo sa kabanalan ay maaaring simulan sa pagkakaugat sa Salita ng Diyos, panalangin, Eukaristiya at Santo Rosaryo.

Binigyang-diin din ng Cardinal na sa kabila ng pagiging kabataan at pamumuhay sa makabagong mundo, pinili ni Carlo na hindi maging “photocopy” ng lipunan, bagkus ginamit ang kanyang mga talento at maging ang internet upang ibahagi ang kagandahan ng pananampalatayang Kristiyano, habang naging konkretong pagtulong naman sa mga mahihirap ang kanyang malalim na pananampalataya.

“This intelligent and dynamic boy chooses not to conform, not to be one of the many photocopies produced by the fashion of the times. He consciously wants to live with the talents received and with his origin as a child of God. From childhood, after receiving a good Christian formation in his family, he is attracted by the things of God. Assiduous in attending Mass and Eucharistic adoration before the Blessed Sacrament, he is transfigured as if entering into deep dialogue with the Lord,” ayon sa pagninilay ni Cardinal Bassetti

Iniugnay din ni Cardinal Bassetti ang buhay ni Carlo kina Saint Francis at Saint Clare ng Assisi, na kapwa mga kabataang nakaranas ng malalim na pagbabago sa kanilang buhay at piniling ilagay si Kristo higit sa mga makamundong pang-akit.

Hinikayat naman niya ang mga kabataan na maging tunay na saksi ng Ebanghelyo gamit ang mga bagong pamamaraan at wika, habang nananatiling tapat kay Kristo, dahil sa bisa ng Binyag, bawat Kristiyano ay tinatawag na maging misyonero at tumugon sa panawagan ng Diyos na, “Here I am, Lord, I am ready, send me.”

Hiniling din ni Cardinal Bassetti sa pamamagitan ni Saint Carlo Acutis na matulungan ang mga Kristiyano na maisabuhay ang “make all things new” sa kanilang buhay-pananampalataya at maging tunay na saksi ng pag-ibig ng Diyos, lalo na sa pamamagitan ng tinawag niyang “miracle of charity.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 7,084 total reads

 7,084 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 31,332 total reads

 31,332 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 67,833 total reads

 67,833 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 288,455 total reads

 288,455 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 322,720 total reads

 322,720 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top