Maging instrumento ng pagpapagaling, pagbabago at pag-asa; panawagan ng CBCP-ECPPC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,267 total reads

Hinimok ni Rev. Fr. Nezelle O. Lirio, Executive Secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) ang Simbahan na patuloy na maging instrumento ng pagpapagaling, pagbabago at pagpapanumbalik ng pag-asa sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) at kanilang mga pamilya.

Sa kanyang mensahe para sa Prison Awareness Sunday ngayong Oktubre 25, 2026, sinabi ng Pari na ang tema ngayong taon na “Healing and Transformation in the Correctional Community: Witnessed to by a Synodal Church Touched by God’s Infinite Love,” ay paalala na higit pa sa pagbibigay ng tulong ang ministeryo sa correctional community.
“More importantly, it is about bringing healing, inspiring transformation, and restoring hope.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Lirio.

Binigyang-diin ni Fr. Lirio na sa likod ng bawat taong deprived of liberty ay isang taong may sariling kuwento, sugatang puso at dignidad bilang nilalang ng Diyos, na Kanyang patuloy na minamahal.

“We may not be able to change a person’s life overnight, but we can become instruments through whom they may experience God’s love and realize that they have not been forgotten by God, that they have not been abandoned by the Church, and that there is always an opportunity for conversion, renewal, and transformation.” Dagdag pa ni Fr. Lirio.

Ayon sa Pari, hindi lamang ang mga PDL ang naaapektuhan ng pagkakakulong kundi maging ang kanilang mga pamilya, kaya mahalaga ang patuloy na presensya ng mga prison chaplain at Volunteers in Prison Service (VIPS) upang makapagbigay ng pag-asa.

Binigyang-diin din ni Fr. Lirio ang kahalagahan ng pagiging isang synodal Church sa ministeryong ito upang magsilbing isang Simbahang sama-samang naglalakbay, nakikinig, nakikilahok at naglilingkod.

“We do not walk alone in this ministry. We walk together with our chaplains, Volunteers in Prison Service, correctional personnel, families, and victims of crimes, and most especially with those entrusted to our pastoral care—our brothers and sisters deprived of liberty.” Ani Fr. Lirio.

Hinikayat din ni Fr. Lirio ang mga naglilingkod sa prison ministry na hayaang sila rin mismo ay baguhin ng pag-ibig ng Diyos bago maging instrumento ng pagbabago sa buhay ng iba.

“For before we can become instruments of healing in the lives of others, we must first allow God to heal and transform our own hearts. It is only when we ourselves experience genuine conversion and transformation that we can become more effective instruments of change in the lives of others.” Dagdag pa ni Fr. Lirio.

Samantala, ipinaalala rin ng CBCP-ECPPC na ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos ay walang hangganan at umaabot maging sa mga lugar na madalas nakakalimutan ng lipunan.

“God’s infinite love reaches beyond prison walls, touches even the darkest and most forgotten places, and has the power to heal hearts, restore hope, and transform lives.” Ayon Fr. Lirio.

Nagpasalamat din si Fr. Lirio sa mga chaplain, VIPS at lahat ng patuloy na naglalaan ng panahon, lakas at malasakit sa prison ministry, na nakaugat sa paanyaya ni Hesus na pagdalaw sa Kanya ng isa ay nabilanggo.

Taong 1987 itinakda ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang huling Linggo sa buwan ng Oktubre bilang Prison Awareness Sunday o araw upang alalahanin at bigyang pansin ang kapakanan at kalagayan ng mga bilanggo sa bansa.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 8,768 total reads

 8,768 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 63,443 total reads

 63,443 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 148,808 total reads

 148,808 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 195,545 total reads

 195,545 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 243,417 total reads

 243,417 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 344,250 total reads

 344,250 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top