Tumulong sa pagbangon ang Marawi- Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 601 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang bawat Kristiyano na tumulong sa pagbangon ng Marawi City na labis na nalugmok dulot ng digmaan.

Ayon kay Cardinal Tagle, ito ang pagkakataon na dapat ipakita ang pagdamay sa ating kapwa lalu’t naging sandigan ng mga kristiyano ang mga Muslim na nagmalasakit para sa kanilang kaligtasan sa kamay ng Maute-ISIS group.

“Nanawagan po ako sa mga kapatid nating mga Kristyano. Narinig natin ang mga kwento kung paano ang mga kapatid nating mga Muslim ay gumawa ng paraan para maprotektahan ang mga Kristiyano na noon ay baka mahuli. Baka sila ay mapahamak, dinamayan sila, pinrotektahan sila. ‘Iyan po ang pagiging magkakapatid; ‘yan ang pagiging makatao; pagiging anak ng Diyos; at ang pagiging Filipino. Ngayon naman po, tayong lahat lalu na ang mga kapatid nating Kristiyano, tayo po ay dumamay. Sa pamamagitan ng ating pagtulong sa pagbangon muli ng Marawi,”panawagan ni Cardinal Tagle sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit ni Cardinal Tagle na ang pagtulong ay hindi lamang dahil sa tawag ng pangangailangan kundi ang panawagan sa atin ni Hesus bilang mga anak ng Diyos.

“Ang pagdamay sa kapwa ay isa sa hinihingi sa atin. Hindi lamang ng panahon, hindi lamang ng pagiging makatao at marunong makipagkapwa tao, kundi ito rin po ay hinihingi sa atin ng ating Panginoong Hesuskristo ang pagdamay. At lalu na po sa mga kapatid natin na dumanas ng napakaraming pagsubok sa Marawi,” ayon pa kay Cardinal Tagle.

Una na ring inilunsad ng Caritas Manila at Radio Veritas ang Damay Kapanalig sa Marawi Telethon upang maging bahagi sa pagbangon ng Marawi City na labis na napinsala dulot ng limang buwang digmaan.

Sa ulat, higit sa 300,000 o buong populasyon ng lungsod ang lumikas dahil sa digmaan at umaasang makakabalik pa sa kanilang tahanan at makatanggap ng tulong hindi lamang sa pamahalaan kundi maging sa simbahan.

Ang Marawi ang natatanging Islamic City sa bansa na may 90 porsyento ng populasyon ay pawang mga Muslim habang ang 10 porsiyento lamang ang pawing mga Kristiyano.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 9,868 total reads

 9,868 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 64,978 total reads

 64,978 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 150,343 total reads

 150,343 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 197,080 total reads

 197,080 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 244,952 total reads

 244,952 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 345,722 total reads

 345,722 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top