Tulungang makapagsimula ng buhay ang mga taga-Marawi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 540 total reads

Ang pagtulong sa muling pagsisimula ng buhay ng mga residente ng Marawi ang dapat na pangunahing tutukan ng iba’t-ibang mga organisasyong na nais na magkaloob ng suporta sa rehabilitasyon ng siyudad matapos ang bakbakan.

Ito ang ibinahagi ni Ms. Jo Henry – Information Officer ng Autonomous Region in Muslim Mindanao- Humanitarian Emergency Action and Response Team (ARMM- HEART) kaugnay sa kasalukuyang kalagayan ng mga residente ng Marawi City.

Kaugnay nito, tiniyak rin ni Henry ang suporta ng regional government ng Autonomous Region in Muslim Mindanao sa pagtulong at pag-agapay sa mga residente ng Marawi na unti-unti ng bumabalik sa siyudad matapos na ideklara ang kalayaan mula sa impluwensiya ng ISIS inspired Maute group kasunod ng pagkakapatay sa dalawang lider ng teroristang grupo.

Pagbabahagi ni Henry, tinatayang halos 9,000 pamilya na ang nakabalik sa 9 na barangay sa Marawi City mula noong ika-28 ng Oktubre ng muling pahintulutan ng militar ang mga residente na muling makapasok sa siyudad.

“With due respect dun sa Task Force Bangon Marawi kami naman po sa regional government ay tuloy-tuloy yung pagbibigay po ng tulong, since October 28 kung hindi kami nagkakamali, dahan dahan na pong nagsisibalikan and as of November 6 po ay meron na po tayong 8,000 almost 9,000 families nanakabalik dun sa 9 na barangay kaya yun din po yung tinitingnan ngayon, paano yung pagsisimula ng kanilang buhay…” pahayag ni Henry sa panayam sa Radyo Veritas.

Ika-23 ng Mayo ng mabalot ng takot at tensyon ang malaking bahagi ng Marawi City dahil sa pagpasok ng ISIS inspired Maute Group sa lungsod kung saan agad na nagkaroon ng inisyal na engkwentro ang grupo sa pagitan ng mga militar dahilan upang ideklara ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Batas Militar sa buong Mindanao.

Makalipas ang limang buwan, ika-16 ng Oktubre ng inanunsyo ng Pangulo ang paglaya ng Marawi City mula sa mga terorista matapos ang pagkakapatay ng mga militar sa dalawang tumatayong lider ng Maute group na sina Omarkhayam Maute at Abu Sayyaf leader na Isnilon Hapilon na siya ring hudyat para sa pagsisimula ng puspusang rehabilitasyon para sa lungsod.

Kaugnay nito, sa pamamagitan ng isinasagawang telethon ng Caritas Manila sa pakikipagtulungan ng Radyo Veritas ay layon ng social action arm ng Archdiocese of Manila na makalikom ng pondo upang ilaan sa rehabilitasyon ng Marawi City at matulungan ang mga residente ng siyudad na muling makabangon mula sa malawak na pagkasira na idinulot ng bakbakan.

Batay sa tala, nasa 300,000 ang bilang ng mga residente ng Marawi City na hindi lamang nawalan ng sariling tahanan kundi maging ng mapagkakakitaan matapos na masira ang mga establishemento at mga istruktura sa syudad dahil sa bakbakan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 76,655 total reads

 76,655 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 171,483 total reads

 171,483 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 215,751 total reads

 215,751 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 238,860 total reads

 238,860 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 310,545 total reads

 310,545 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top