Sundin ang closure order, apela ng Simbahan sa may-ari ng container yard sa Bulacan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 543 total reads

Nanawagan ang Parish Priest ng Holy Angels Parish sa Bulihan, Plaridel, Bulacan sa tuluyang pagpapahinto ng operasyon ng Inter-Pacific Highway Transport Corporation na banta sa kaligtasan ng mga residente ng Bulihan, Plaridel, Bulacan.

Ayon kay Father Rico Trinidad, bukod sa mapanganib sa kaligtasan ng mga residente ang mga mahahabang truck ng container vans ay labis din na nagiging maputik at maalikabok ang kanilang lugar kahit walang operasyon sa container yard ng IHTC.

“Kami po ay hindi tutol sa kaunlaran, nais lamang namin ay yung kaligtasan ng mga tao kasi nalalagay sa alanganin ang public safety ng mga tao dahil sa maraming mahahabang truck na may dalang container vans.” pahayag ng pari sa Radyo Veritas.

Pinasasalamatan naman ni Father Trinidad ang Department of Environment and Natural Resources o DENR matapos ipatupad ang cease and desist order sa IHTC.

Nasasaad sa kautusan ng DENR na hindi na maaaring gamitin ng IHTC ang mga container yards 1,2 at 3.

Binigyan ng DENR ng hanggang ika-30 ng Nobyembre ang IHTC upang bakantehin ang mga nasabing container yard na 8-taon ng ginagamit ng kumpanya.

Sa panayam ng Radio Veritas, iginiit ni Virgilio Licuan, chief legal unit ng DENR-Environmental Management Bureau Region 3 na kailangang i-vacate ng IHTC ang mga container yard sa itinakdang araw ng kautusan.

“Kailangan i-vacate nila yung container yards 1,2,3. Yung aming inspection, nakita namin na yung 1 ay vacated na wala nang container na nakalagay doon at the same time yung 2, yung number 3 naman ay may naiwan pa so binigyan sila ng until 30 ng November para ma vacate lahat maalis lahat yung mga container,” pahayag ni Licuan sa Radio Veritas.

Binigyan diin ni Father Trinidad na kanilang babantayan ang IHTC at titiyaking susunod sa napagkasunduang palugit na ibinigay ng DENR hanggang sa ika-30 ng Nobyembre 2017.(Yana Villajos)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 33,083 total reads

 33,083 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 69,123 total reads

 69,123 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 295,393 total reads

 295,393 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 188,860 total reads

 188,860 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 281,142 total reads

 281,142 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 35,034 total reads

 35,034 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,927 total reads

 27,927 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top