Kahalagahan ng Tamang Pagpili ng Lider, Tinalakay sa Vox Consolacion Episode 1

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 264,640 total reads

(Upper L-R) Annalou Calzado and Mimot Astoveza, Agta youth members from General Nakar, Quezon; Edil Guyano, Development Head of CBCP NASSA/Caritas Philippines; and Dario Aumentado, Agta Coordinator, with (seated L-R) student-hosts Mira Nicolas and Evan Clemente. (Photo: Vannaliza Espiritu / Layout: James Azan)

Noong Mayo 3, 2025, pinasimulan ng Vox Consolacion, student program ng La Consolacion University Philippines (LCUP), ang unang episode nito sa DZRV846 Veritas Campus Hour, tampok ang mahalagang usapin para sa mga botante ngayong midterm elections.

Tinalakay sa programa ang kahalagahan ng tamang pagpili ng mga lider, ang mga hakbang sa tamang proseso ng halalan, at ang mga responsibilidad ng bawat botante upang matiyak na ang halalan ay magiging malinis, tapat, at makatarungan.

Nakasama sa pagtalakay ng mga student-hosts ng LCUP AB Communication Arts na sina Mira Nicolas at Evan Clemente ang mga eksperto at kinatawan mula sa iba’t ibang sektor upang magbigay ng kanilang pananaw tungkol sa tamang pagboto.

Kabilang sa mga guest speakers si Edil Guyano, ang Development Department Head ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) National Secretariat for Social Action, Justice and Peace – Caritas Philippines, at sina Mimot Astoveza at Annalou Calzado, mga miyembro ng Katutubong Kabataang Umuugat sa Kabundukan ng Sierra Madre (UGBON) mula sa General Nakar, Quezon.

Ayon kay Guyano, ang pagboto ay hindi lamang basta pagpili ng kandidato, kundi isang mahalagang hakbang na may kaakibat na malaking responsibilidad. Binanggit rin niya na ang mga organisasyon na tulad ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ay may layuning magbantay sa halalan, at ang pangunahing tungkulin ng bawat botante ay tiyakin na tama at nararapat ang kanilang mga iboboto.

Gayundin, nagbigay si Guyano ng dagdag paalala para sa lahat ng mga botante na hindi lamang sapat na malaman kung sino ang iboboto, kundi kailangan rin na matiyak na ang boto ng mga mamamayan ay ligtas at maayos.

“Dapat nating pagtuunan ng pansin ang bawat hakbang ng proseso ng COMELEC upang matiyak na ito ay isinasagawa nang tama, at ang bawat boto ay binibilang nang tapat at walang kapekehan. Sa ganitong paraan, makakamit natin ang isang malinis at makatarungang halalan,” dagdag ni Guyano.

Nagpahayag naman ng saloobin si Astoveza patungkol sa kahalagahan ng pagtutok sa mga tunay na pangangailangan ng kanilang komunidad, partikular na sa mga katutubong Agta.

Ayon sa kanya, “Dapat tignan ng mga kandidato ang kalagayan ng aming komunidad at pakinggan ang aming mga saloobin. Mahalaga na maisama kami sa mga plano para sa aming mga pangangailangan.”

Idinagdag rin ni Astoveza na kasama sa adhikain nila na maunawaan ng mga kandidato ang kanilang mga pangarap at hinanakit. Kasunod nito, nagbigay ng kanyang pahayag si Calzado ukol sa pagkakataong mabigyan ng boses ang kanilang sektor.

“Mahalaga sa amin na marinig ang aming mga saloobin. Naniniwala kami na ang mga kandidato, lalo na ang mga mauupo sa posisyon, ay kailangang maunawaan ang aming sitwasyon at magpakita ng malasakit sa aming komunidad. Dapat kaming magtulungan upang matugunan ang mga isyung may kinalaman sa amin,” ani Calzado,

Sa pagtatapos ng programa, nagbigay ng mahalagang mensahe si Guyano sa mga tagapakinig. Binanggit niya na ang bawat botante ay may malalim na tungkulin sa proseso ng halalan, at ang tamang impormasyon at responsableng pagboto ay susi upang matamo ang isang makatarungan at maliwanag na kinabukasan para sa bansa.

Pinaalalahanan niya ang publiko na bawat boto ay mahalaga, kaya’t napakahalaga ring tiyakin ng bawat botante na sila ay may sapat na kaalaman at hakbang upang maisagawa ang isang malinis, maayos, at tapat na halalan. (Angela Kim Perez)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 48,135 total reads

 48,135 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 85,504 total reads

 85,504 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 120,803 total reads

 120,803 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 347,073 total reads

 347,073 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 237,717 total reads

 237,717 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 36,392 total reads

 36,392 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 29,283 total reads

 29,283 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 394,081 total reads

 394,081 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top