Sub-standard na bollards sa NAIA terminal 1 , pinapaimbestigahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,732 total reads

Inatas ng Malacañang ang agarang pagsasagawa ng imbestigasyon sa sinasabing substandard o depektibong bollards na naka-lagay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ang kautusan ay kasunod ng naganap na insidente kung saan dalawang katao ang nasawi, kabilang na ang isang 5-taong gulang na batang babae matapos masagasaan ng SUV.

Batay sa inisyal na ulat, sinasabing nawalan ng kontrol ang driver ng SUV at sumalpok sa mga bollards sa labas ng paliparan.

Sa halip na mapigil ang sasakyan, ay nagpatuloy ito sa pag-andar at bumangga sa mga taong nasa paligid, na nagresulta sa pagkasawi ng dalawa at pagkakasugat ng ilan pang indibidwal.
Isa sa mga tinutukoy na posibleng sanhi ng insidente ay ang mahinang kalidad ng bollards na hindi nakapagsilbing epektibong harang.

Ang bollards ay isang posteng harang na inilalagay sa mga pampublikong lugar tulad ng bangketa, kalsada at paliparan, na nagsisilbing proteksyon sa mga gusali at pedestrian upang pigilan ang mga sasakyan.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro, ikinalulungkot ng pamahalaan ang insidente, lalo na kung mapatutunayang ang mga bollards ay hindi tumugon sa nararapat na pamantayan ng kaligtasan.

Ang naturang bollards ay na-install noong Hulyo 2019 sa ilalim ng nakaraang administrasyon, partikular sa panahon ng dating Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade.
“Sa direktiba ng Pangulo, iniimbestigahan na ang proseso ng procurement at ang mga teknikal na detalye ng nasabing proyekto,” ani Castro. “Kaagad ding inatasan si Secretary Vince Dizon na pangunahan ang pagsusuri sa kasalukuyang mga bollards at tiyakin ang kanilang agarang pagpapalit upang mapangalagaan ang kaligtasan ng publiko.”

Iginiit ni Castro na hindi palalagpasin ng administrasyon ang anumang uri ng kapabayaan, lalong-lalo na kung ito ay may kaugnayan sa katiwalian sa mga kontrata ng pamahalaan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 6,938 total reads

 6,938 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 8,581 total reads

 8,581 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 19,160 total reads

 19,160 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 56,538 total reads

 56,538 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 87,808 total reads

 87,808 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 164,100 total reads

 164,100 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 257,379 total reads

 257,379 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 8,583 total reads

 8,583 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »
Scroll to Top