Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,453 total reads

Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo Papa) ng mahigit sa 1.4-bilyong katoliko sa buong mundo kapalit ng reformist na si Pope Francis ngayong ika-7 ng Mayo 2025, at ang Ang 2025 midterm national at local election sa ika-12 ng Mayo, 2025. Ang dalawang kaganapang ito Kapanalig, ang magtatakda ng kinabukasan.

Makasaysayan ang Conclave sa ating mga Pilipino hindi lamang dahil tayo ay pre-dominantly catholic country, kundi ang ating kapwa Pilipino na si Luis Antonio Cardinal Tagle ay isa sa mga Papabili na malakas na contender na maging Santo Papa.

Sa kabilang banda, ang magiging resulta ng 2025 midterm election sa ika-12 ng Mayo ay mayroong direktang impak sa buhay nating mga Pilipino base sa kanilang mga pagiging polisiya sa loob ng tatlong taon na siya namang huhulma sa magiging resulta ng 2028 Presidential election.

Hindi po masamang manalig at mangarap na ang ating kababayan na si Cardinal Tagle ang pipiliin ng Conclave na maging Santo Papa.Kung ito ay God’s will, isa itong malaking karangalan sa ating mga Pilipino.

Kapanalig, ibinahagi ni Cardinal elector Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David sa kanyang facebook na ang bawat isa sa 133-Cardinal elector ay manunumpa bago pumili ng Santo Papa na isinalin sa salitang English “I call as my witness Christ the Lord, who will be my judge, that my vote is given to the one who, before God, I believe should be elected.”

Ibig sabihin Kapanalig, ang bawat Cardinal ay pipili ng nararapat na maging pinuno ng Catholic Church sa pamamagitan ng taimtim na pananalangin at pagninilay.. sa huli ang magiging resulta ng conclave ay God’s will. Sa kanyang facebook post, ibinahagi ni Cardinal David ang katanungang.., imagine if every Filipino voter can say the same oath before casting his/her vote in the coming elections?

Nakakalungkot lamang Kapanalig ang katotohanan, tayong mga botanteng Pilipino ay hindi natin binibigyang halaga ang ating katungkulan bilang botante katulad ng solemn spiritual reflection ng mga Cardinal electors sa paghalal ng Santo Papa.

Nakakadismaya Kapanalig base sa resulta ng mga naglalabasang survey na ang 12-nangungunang Senatoriables ay dominado ng mga artista, mga taong kuwestiyunable ang integridad at kakayahan na ang puhunan lamang ay kilala at pamilyar sa mga botante ang kanilang pangalan. Sa local level, namamayagpag pa rin ang political dynasties na isang reyalidad na kanilang ginawa ang pulitika na isang “family business” upang lalong magkamal ng kayamanan at kapangyarihan.Marami sa ating mga botanteng Pilipino ay nawalan na ng pag-asa sa nalalapit na 2025 midterm election dahil lalung nalulugmok at nababaon ang ating bansa.

Sana Kapanalig, umaasa tayo na ang magiging resulta ng Conclave ay mai-impluwensiyahan pa ang ating electoral process sa ika-12 ng Mayo, 2025…Ipinagdarasal natin na matatauhan tayong mga Pilipinong botante upang magkaisa, magkaroon ng spiritual renewal at tuluyang maiwaksi ang ating nakagawiang sumunod sa agos…Nawa, mapagtanto natin ang bumoto ng karapat-dapat na kandidato ay isantabi ang mga hindi karapat-dapat.

Hindi kaya napapanahon na Kapanalig na ilagay sa election rules ang qualification requirement sa sinumang nagnanais na mamuno sa ating mga Pilipino upang maalis na ang estado ay pinapatakbo ng political dynasties, walang alam at mga komedyante.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 6,960 total reads

 6,960 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 8,604 total reads

 8,604 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 19,189 total reads

 19,189 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 56,567 total reads

 56,567 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 87,837 total reads

 87,837 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 164,128 total reads

 164,128 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 257,403 total reads

 257,403 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Halimbawa sa taumbayan

 19,190 total reads

 19,190 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 56,568 total reads

 56,568 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 87,838 total reads

 87,838 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 164,129 total reads

 164,129 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »
Scroll to Top