Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tumulong sa pagbangon ang Marawi- Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

 355 total views

Hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang bawat Kristiyano na tumulong sa pagbangon ng Marawi City na labis na nalugmok dulot ng digmaan.

Ayon kay Cardinal Tagle, ito ang pagkakataon na dapat ipakita ang pagdamay sa ating kapwa lalu’t naging sandigan ng mga kristiyano ang mga Muslim na nagmalasakit para sa kanilang kaligtasan sa kamay ng Maute-ISIS group.

“Nanawagan po ako sa mga kapatid nating mga Kristyano. Narinig natin ang mga kwento kung paano ang mga kapatid nating mga Muslim ay gumawa ng paraan para maprotektahan ang mga Kristiyano na noon ay baka mahuli. Baka sila ay mapahamak, dinamayan sila, pinrotektahan sila. ‘Iyan po ang pagiging magkakapatid; ‘yan ang pagiging makatao; pagiging anak ng Diyos; at ang pagiging Filipino. Ngayon naman po, tayong lahat lalu na ang mga kapatid nating Kristiyano, tayo po ay dumamay. Sa pamamagitan ng ating pagtulong sa pagbangon muli ng Marawi,”panawagan ni Cardinal Tagle sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit ni Cardinal Tagle na ang pagtulong ay hindi lamang dahil sa tawag ng pangangailangan kundi ang panawagan sa atin ni Hesus bilang mga anak ng Diyos.

“Ang pagdamay sa kapwa ay isa sa hinihingi sa atin. Hindi lamang ng panahon, hindi lamang ng pagiging makatao at marunong makipagkapwa tao, kundi ito rin po ay hinihingi sa atin ng ating Panginoong Hesuskristo ang pagdamay. At lalu na po sa mga kapatid natin na dumanas ng napakaraming pagsubok sa Marawi,” ayon pa kay Cardinal Tagle.

Una na ring inilunsad ng Caritas Manila at Radio Veritas ang Damay Kapanalig sa Marawi Telethon upang maging bahagi sa pagbangon ng Marawi City na labis na napinsala dulot ng limang buwang digmaan.

Sa ulat, higit sa 300,000 o buong populasyon ng lungsod ang lumikas dahil sa digmaan at umaasang makakabalik pa sa kanilang tahanan at makatanggap ng tulong hindi lamang sa pamahalaan kundi maging sa simbahan.

Ang Marawi ang natatanging Islamic City sa bansa na may 90 porsyento ng populasyon ay pawang mga Muslim habang ang 10 porsiyento lamang ang pawing mga Kristiyano.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 10,151 total views

 10,151 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 26,240 total views

 26,240 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 64,000 total views

 64,000 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 74,951 total views

 74,951 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 19,648 total views

 19,648 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 3,195 total views

 3,195 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »

50-pesos na wage hike, binatikos

 23,152 total views

 23,152 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top