EJK, isinulong na heinous crime sa Kamara

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,660 total reads

Muling inihain ng mga lider ng House Quad Committee ng 19th Congress ang House Bill No. 1629 na layong kilalanin ang extrajudicial killings (EJK) bilang heinous crime o karumal-dumal na krimen.

Kabilang sa mga may-akda ng panukala sina Reps. Bienvenido Abante Jr. (Manila, 6th District), Zia Alonto Adiong (Lanao del Sur, 1st District), Gerville Luistro (Batangas, 2nd District), Jay Khonghun (Zambales, 1st District), Paolo Ortega V (La Union, 1st District), at Lordan Suan (Cagayan de Oro City, 1st District), na pawang mga lider ng Quad Committee.

Layon ng panukala na parusahan ng habangbuhay na pagkakakulong ang sinumang opisyal ng gobyerno na sangkot o nag-utos ng EJK, na tinukoy bilang pagpatay nang walang legal na proseso.

Kasama rin sa panukala ang pananagutan ng matataas na opisyal ng pulisya o militar na mag-utos ng EJK sa kanilang mga tauhan.

Itinatakda rin ng panukala ang pagbuo ng Extrajudicial Killings Claims Board sa ilalim ng Commission on Human Rights (CHR) para sa pagproseso ng kompensasyon sa mga pamilya ng biktima. Maaaring umabot sa P250,000 hanggang P500,000 ang ibibigay na kabayaran, habang ang Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay tutulong sa pagbibigay ng psychosocial at educational support.

Ang panukalang batas ay tugon sa sinasabing libo-libong napatay sa kampanya kontra droga noong administrasyong Duterte. Ayon sa CHR, may 846 kaso ng EJK ang naimbestigahan mula 2016 hanggang 2022, kung saan 577 ay sinasabing kinasasangkutan ng mga pulis.

Ayon sa mga may-akda, “When perpetrators are not held accountable, impunity thrives and the most basic human rights are rendered hollow.”

“This measure affirms the country’s commitment to international human rights obligations. The swift enactment of this bill is strongly urged,” ayon pa sa panukala.

Layon ng panukala na wakasan ang culture of impunity at tiyakin na ang mga lumalabag sa karapatang pantao ay mapanagot sa ilalim ng batas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 29,790 total reads

 29,790 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 63,459 total reads

 63,459 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 99,941 total reads

 99,941 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 118,154 total reads

 118,154 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 200,876 total reads

 200,876 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top