Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,133 total reads

Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy Law upang mas mapalakas ang laban kontra korapsyon, money laundering, at iba pang financial crimes.

“Kung nais natin ng tapat na pamahalaan at matatag na sistemang pinansyal, kailangan nating i-update ang ating mga batas at bigyan ng tamang kapangyarihan ang mga regulator para maprotektahan ang pera ng taumbayan,” pahayag ni Romualdez.

Sa ilalim ng panukala, papayagan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na suriin ang bank deposits—kabilang ang foreign currency accounts—kapag may sapat na batayan ng pandaraya o iregularidad. Saklaw ng imbestigasyon ang mga opisyal, stockholders, empleyado, at sinumang konektado sa mga institusyong nasa ilalim ng pangangasiwa ng BSP, gayundin ang mga ipinasarang bangko.

“Sa kasalukuyan, nagagamit ang batas para itago ang money laundering, tax evasion, at korapsyon. Dapat na itong itama,” ayon sa mambabatas.

Upang mapanatili ang privacy ng mga lehitimong depositors, lilimitahan ang paggamit ng impormasyon mula sa BSP. Tanging mga ahensyang tulad ng Securities and Exchange Commission (SEC), Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC), Anti-Money Laundering Council (AMLC), Department of Justice (DOJ), o korte lamang ang maaaring makatanggap ng impormasyon kung kinakailangan ng batas.

Tiniyak ng panukala na walang pananagutang kriminal o sibil ang mga bangko o empleyado kung sila ay kumilos nang may kabutihang loob at alinsunod sa utos ng BSP. Samantala, ang sinumang maglalabas ng impormasyon nang walang pahintulot ay papatawan ng parusang pagkakakulong mula dalawa hanggang sampung taon, at multang mula ₱50,000 hanggang ₱2 milyon.

Layon ng panukala na iayon ang Pilipinas sa mga pandaigdigang pamantayan sa laban kontra money laundering at alisin ang mga hadlang sa paghabol sa mga hidden wealth.

Naniniwala si Romualdez na ang pagbibigay ng malinaw at legal na kapangyarihan sa BSP ay magpapatibay sa oversight ng mga institusyon, magpapalakas sa tiwala ng mga mamumuhunan, at magbibigay proteksyon sa financial system ng bansa laban sa pang-aabuso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 29,791 total reads

 29,791 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 63,460 total reads

 63,460 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 99,942 total reads

 99,942 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 118,155 total reads

 118,155 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 200,877 total reads

 200,877 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top