Kawalan ng commitment, dahilan ng pagbaba ng mga nagpapakasal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,106 total views

Nababahala ang Pro-Life Philippines sa ulat na tumataas ang bilang ng mga Pilipinong nagkakaanak nang hindi nagpapakasal. Inihayag ni Pro-Life Philippines President Bernard Cañaberal na nakakaalarma ang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagpapakitang bumaba ng 7.8% ang bilang ng mga nagpapakasal sa bansa noong 2023 kumpara noong 2022 mula sa 450,000 noong 2022 at mahigit 414,000 lamang noong 2024.

Sa panayam ng programang Veritas Pilipinas, binigyang-diin ni Cañaberal ang kahalagahan ng edukasyon upang maliwanagan ang mga Pilipino ukol sa pananagutan ng pagiging magulang, ayon na rin sa turo ng Simbahang Katolika ukol sa kasal at pamilya.

“Nakita ko ito sa tatlong pamamaraan, dumarami ang mga anak ng mga hindi kasal kasi—hindi sila kasal; wala silang responsibilidad, ibig ko sabihin kasama ang ating faith dimension natin—kapag magpapakasal ka alam mo na mayroon Pre-Cana, mga katuruan ng simbahan at alam mo ang responsibilidad mo bilang magulang, pero kung hindi ka kasal, wala kang kaalam sa mga ganitong responsibilidad,” ayon kay Cañaberal.

Ipinaliwanag naman ni Sociologist Brother Clifford Sorita, Chief Strategy Officer ng Radyo Veritas na isa sa mga dahilan kung bakit maraming Pilipino ang umiiwas sa pagpapakasal ay ang kawalan ng commitment o matibay na paninindigan sa isang relasyon.

“The new generation, mayroon silang tendency na ‘they want to have a relationship but they don’t have a sense of commitment,’ iyon ang problema. They don’t have sense of responsibility and commitment. The real point of getting married is that sense of commitment. In the phenomenology of marriage — ‘yun talaga ang pinakaimportante; to commit to a person. Pero ‘yun nga ang lumalabas sa mga kabataan ngayon—they want to have a relationship but they don’t have a sense of commitment.” pahayag ni Sorita sa panayam ng Radyo Veritas.

Base sa Veritas Truth Survey, dahilan ng 32% ng mga Pilipino ang mataas na gastusin ang pumipigil sa kanilang magpakasal habang 16% naman ang nagsabing nahihirapan silang makiisa sa mga kinakailangang proseso sa Simbahan tulad ng Pre-Cana Seminar at wedding orientation.

Dahil dito, muling nanawagan ang Pro-Life Philippines na pagtibayin ang edukasyon tungkol sa kasal at pamilya, at patatagin ang pananampalataya upang mahikayat ang mga Pilipino na pahalagahan ang kasagraduhan ng pag-aasawa.

 

– Marian Pulgo kasama sina Kenneth Corbilla at Michael Encinas

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 29,131 total views

 29,131 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 103,745 total views

 103,745 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 183,824 total views

 183,824 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 226,963 total views

 226,963 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 226,296 total views

 226,296 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top