Pangalagaan ang kalikasan, apela ni Pope Leo XIV sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 49,260 total reads

Hinikayat ni Pope Leo XIV ang mga mananampalataya na pangalagaan ang kalikasan at gawing kapaki-pakinabang sa buhay ang mga bagay na dating ginagamit sa pagsira.

Sa kanyang Misa sa Laudato Si’ Village sa Castel Gandolfo nitong Setyembre 1, sinabi ng Santo Papa na hindi pa huli ang lahat upang baguhin ang paraan ng pakikitungo ng tao sa kalikasan.

“As we become conscious of our shortcomings and failures, we can renew our commitment to restoring the relationships among all creatures according to the will of their Creator,” ayon kay Pope Leo.

Binigyang-diin ng Santo Papa na ang pangangalaga sa kalikasan ay bahagi ng pagbabagong pangkapaligiran at pananagutan ng bawat tao.

Hinikayat din ni Pope Leo ang mga mananampalataya na huminto sandali sa abalang buhay at pakinggan ang kagandahan ng nilikha bilang paalala ng presensya ng Diyos.

“It is not yet too late,” ayon pa sa pinunong pastol ng simbahan.

Dagdag pa ni Pope Leo IV, “What has been used for destruction can be redirected toward life,” he said, “toward the care of the poor, the nourishment of the hungry, and the safeguarding of creation.”

Ayon sa Pope, ang tunay na malasakit sa kalikasan ay dapat humantong sa pagbabago ng pamumuhay at mas malaking malasakit sa mahihirap at mga nagugutom.

Nanawagan din ang pinunong pastol ng mas malawak na pagkakapatiran at pagkakaisa, kasabay ng pangangalaga sa mundo na ipinagkatiwala sa sangkatauhan.

Ang Misa ay bahagi ng World Day of Prayer for the Care of Creation at pagsisimula ng limang linggong Season of Creation, na magtatapos sa Oktubre 4, kapistahan ni San Francisco ng Assisi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 31,644 total reads

 31,644 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 136,833 total reads

 136,833 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 222,943 total reads

 222,943 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 293,077 total reads

 293,077 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 325,295 total reads

 325,295 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top