Pangunahan ang paninindigan ng mamamayan sa pangangalaga sa kalikasan, apela ng Obispo sa CSMP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,026 total reads

Nanawagan si Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo sa mga religious superior na pangunahan ang pagpapalakas ng kamalayan at paninindigan ng mamamayan para sa pangangalaga ng kalikasan, lalo na sa harap ng pagputol ng 57,000 puno sa Southern Palawan para sa pagmimina.

Sa kanyang homiliya sa pagbubukas ng Second National Convention ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), kasabay ng pagsisimula ng Season of Creation sa Grand Astoria Hotel sa Zamboanga City, binigyang-diin ng obispo na hindi sapat ang pagtatanim ng mga puno bilang kapalit ng pagkawasak ng kagubatan.

Iginiit ni Bishop Pabillo na hindi maibabalik ng simpleng pagtatanim ang isang gubat, lalo na kung mawawala ang kabuuang ecosystem nito dahil sa pagmimina.

“You can plant the trees, but you cannot replant the forest. You can plant trees, but not the forest. That’s why the term reforestation is wrong. It’s a big lie. How can you bring back a forest with all the ecosystems it has?” mariing pahayag ni Bishop Pabillo.

Ayon sa obispo, pinahintulutan ng pamahalaan ang pagputol sa libo-libong puno, kabilang ang malalaking puno na bahagi ng halos sinaunang kagubatan sa Southern Palawan.

“Imagine, 57,000 trees. How difficult it is when we have our tree-planting and only plant one or two trees. But these are big trees already, almost primeval forests, to be cut down for the sake of mining. And the government allowed that.”

Binigyang-diin ng pastol na ang kalikasan ay hindi simpleng pinagkukunan ng kita at likas na yamang maaaring abusuhin.

“Creation is not just to be exploited, to be used, but also to be respected.”

Nagbabala rin si Bishop Pabillo na ang pinsalang idinudulot sa kapaligiran ay may balik sa tao, lalo na sa harap ng matitinding pagbaha at iba pang sakuna.

“God always forgives. Man, from time to time, we forgive. Creation never forgives. What we do to it will come back to us.”

Hinimok ng obispo ang mga religious superior na gamitin ang Season of Creation upang paigtingin ang pagtatanggol sa sangnilikha at himukin ang mga lider at mamamayan na kumilos tungkol dito.

“We should make our leaders and our own people conscious of this, and encourage them to speak more on behalf of creation.”

Dumalo sa CMSP national convention ang 233 religious superiors mula sa 159 kongregasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 33,880 total reads

 33,880 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 138,988 total reads

 138,988 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 225,098 total reads

 225,098 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 295,232 total reads

 295,232 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 327,377 total reads

 327,377 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top