Nagpaabot ng suporta at panalangin, pinasasalamatan ng AdZU

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,813 total reads

Nagpaabot ng pasasalamat ang Ateneo de Zamboanga University (AdZU) sa mga paaralan, institusyon, organisasyon, komunidad, at indibidwal na patuloy na nagpapaabot ng panalangin, mensahe, at suporta sa unibersidad matapos ang insidente ng pamamaril noong Agosto 18, 2026.

Sa mensahe ni AdZU President Rev. Fr. Ernald M. Andal, SJ, sinabi nitong malaking bagay para sa unibersidad ang pakikiisa ng mga taong dumamay sa kanilang panahon ng pagdadalamhati at kawalan ng katiyakan.

“We felt your care. At a time of deep grief and uncertainty, you reminded us that we did not have to carry everything alone,” Bahagi ng pahayag ni Fr. Andal.

Ayon sa Pari, patuloy pa ring nagluluksa ang komunidad at nangangailangan ng panahon upang maunawaan at maproseso ang nangyari.

Binigyang-diin din niya na magkakaiba ang paraan ng bawat isa sa pagharap sa trauma kaya mahalagang maging mapagpasensya, makinig, at manatiling malapit lalo na sa mga higit na nasasaktan.

“This experience has reminded us that a school is more than a place for lessons and degrees. It is a community entrusted with the lives and well-being of young people” Dagdag pa ni Fr. Andal.

Paliwanag ng Pari, dapat maging lugar ang mga paaralan kung saan ang mga kabataan ay nariring, nakikita, napoprotektahan, at nabibigyang halaga ang dignidad bilang isang indibidwal.

Kasabay nito, nanawagan ang AdZU, kasama ng iba pang educational communities, na muling pagtibayin ang pangako na gawing mas ligtas at mapagkalingang lugar ang mga paaralan na malaya sa karahasan, takot, at pananakot.

“This is a responsibility we share, and one that calls for our constant attention and care,” Ani pa ni Fr. Andal.

Muli ring nagpasalamat si Fr. Andal sa lahat ng patuloy na nananalangin, tumutulong, at nakikiisa sa Ateneo de Zamboanga University (AdZU), na mananatili sa kanilang komunidad at nawa ay maipasa rin ang kabutihang kanilang natanggap sa iba.

Matapos ang halos dalawang linggong suspensyon ng klase muling nagbalik ang face-to-face classes sa AdZU noong Setyembre 1, 2026 kung maraming mga security measures at protocols ang ipinatupad ng unibersidad upang matiyak ang kaligtasan ng buong komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 35,801 total reads

 35,801 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 140,829 total reads

 140,829 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 226,939 total reads

 226,939 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 297,073 total reads

 297,073 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 329,140 total reads

 329,140 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top