2 pang opisyal ng AFP, hindi na ihaharap sa impeachment trial

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 51,098 total reads

Hindi na ihaharap ng House prosecution ang dalawang iba pang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa halip, ayon kay House lead prosecutor Rep. Gerville Luistro ay hiniling sa impeachment court na ihaharap bilang ‘hostile witness’ si Atty. Michael Poa-ang dating undersecretary at spokesperson ng Department of Education sa ilalim ng pamumuno noon ni VP Duterte.

Naniniwala ang prosekusyon na may higit na halaga ang mga impormasyon na makukuha mula kay Poa- na kasalukuyang ring bahagi ng defense team ng Bise Presidente.

Ayon pa kay Manila Rep. Joel Chua, sapat na ang testimonya nina Col. Manaros Boransing II at Col. Magtangol Panopio tungkol sa military certifications na ginamit ng DepEd sa pagtugon sa audit findings ng Commission on Audit o COA.

Sa ika-20 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte n lumalabas na ang Army certification na ginamit ng Department of Education o DepEd ay nagpapatunay na isinagawa ang mga aktibidad noong 2023, subalit hindi nito pinatutunayan ang paggamit ng ₱15.54 milyong confidential funds.

Sa pagtestigo ni Col. Manaros Boransing II, sinabi ng opisyal ang certification ay tala lamang ng walong Youth Leadership Summits o YLS at 53 Information Education Campaign o IEC activities.

Nakapaloob dito ang bilang ng mga lumahok at lugar kung saan isinagawa ang mga aktibidad.

Gayunman, wala sa dokumento ang pangalan ng isang informant, detalye ng intelligence information, tala ng reward payment o dokumentong mag-uugnay sa ₱15.54 milyong confidential funds sa mga aktibidad.

Ayon kay Boransing, karaniwang humihingi ng certification ang mga ahensya at lokal na pamahalaan bilang patunay ng kanilang paglahok sa mga programa.

Sinabi rin niyang ang naturang certification ay hiningi sa Army chain of command ng dating DepEd Undersecretary Nolasco Mempin.

Nilinaw naman ni Boransing na walang confidential funds mula sa DepEd ang direktang ibinaba sa kanyang Army division para sa mga aktibidad na nakasaad sa certification.

Sa halip, sariling regular budget ng Army ang ginamit sa kanilang paglahok, habang ang ibang ahensya at lokal na pamahalaan ay sumagot sa kani-kanilang gastusin.

Mahalaga ang usapin dahil isinumite ng DepEd ang Army certification sa Commission on Audit o COA bilang bahagi ng tugon nito sa audit findings tungkol sa ₱15.54 milyong reward expenses.

Binigyang-diin sa paglilitis na ang certification ay nagpapatunay lamang na naganap ang mga aktibidad, at hindi awtomatikong nangangahulugang may informant na binayaran o may confidential fund na ginamit para maisagawa ang mga ito.

Kaya inaasahang kailangang magpakita ng iba pang dokumento at testimonya ang mga opisyal na may direktang pananagutan sa confidential funds upang maipaliwanag ang paggamit ng bawat pisong inilabas bilang reward.

Bahagi ito ng Article I ng impeachment case laban kay Duterte na tumatalakay sa umano’y maling paggamit at iregular na liquidation ng confidential funds ng OVP at DepEd.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 31,629 total reads

 31,629 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 136,818 total reads

 136,818 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 222,928 total reads

 222,928 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 293,062 total reads

 293,062 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 325,280 total reads

 325,280 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top