MIYERKULES, NOBYEMBRE 23, 2022

SHARE THE TRUTH

 3,113 total reads

Miyerkules ng Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
o kaya Paggunita kay San Clemente I, papa at martir
o kaya Paggunita kay San Columbano, abad

Pahayag 15, 1-4
Salmo 97, 1. 2-3ab. 7-8. 9

Poong Diyos na Dakila,
gawa mo’y kahanga-kahanga.

Lucas 21, 12-19

Red Wednesday
Wednesday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. Clement I, Pope and Martyr (Red)
or Optional Memorial of St. Columban, Abbot (White)

UNANG PAGBASA
Pahayag 15, 1-4

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Akong si Juan ay nakakita ng isa pang kagila-gilalas na pangitain sa langit: pitong anghel na may dalang pitong salot. Ito ang panghuling mga salot sapagkat dito magwawakas ang poot ng Diyos.

May nakita akong animo’y dagat na kristal na nagliliyab. Nakita ko rin ang mga nagtagumpay laban sa halimaw at sa larawan nito, at sa nagtataglay ng pangalang katumbas ng isang bilang. Nakatayo sila sa dagat na animo’y kristal, hawak ang mga alpang ibinigay ng Diyos. Inaawit nila ang awit ni Moises na lingkod ng Diyos, at ang awit ng Kordero:

“Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
dakila at kahanga-hanga ang iyong mga gawa!
O Hari ng mga bansa,
matuwid at totoo ang iyong mga daan!
Sino ang hindi matatakot sa iyo, Panginoon?
Sino ang tatangging magpahayag ng iyong kadakilaan?
Ikaw lamang ang banal!
Lahat ng mga bansa ay lalapit
at sasamba sa iyo,
sapagkat nakita ng lahat ang matuwid mong mga gawa”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab. 7-8. 9

Poong Diyos na Dakila,
gawa mo’y kahanga-kahanga.

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,
pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hanggang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Poong Diyos na Dakila,
gawa mo’y kahanga-kahanga.

Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Poong Diyos na Dakila,
gawa mo’y kahanga-kahanga.

Umingay ka, karagatan, at lahat ng lumalangoy,
umawit ang daigdigan at lahat ng naroroon.
Umugong sa palakpakan pati yaong kalaliman;
umawit ding nagagalak ang lahat ng kabundukan.

Poong Diyos na Dakila,
gawa mo’y kahanga-kahanga.

Pagkat siya’y dumarating maghahari sa daigdig;
taglay niya’y katarungan at paghatol na matuwid.

Poong Diyos na Dakila,
gawa mo’y kahanga-kahanga.

ALELUYA
Pahayag 2, 10k

Aleluya! Aleluya!
Manatili kang matapat
hanggang iyong kamatayan,
pagkat buhay, aking bigay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 21, 12-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Darakpin kayo’t uusigin. Kayo’y dadalhin sa mga sinagoga upang litisin at ipabilanggo. At dahil sa akin ay ihaharap kayo sa mga hari at mga gobernador. Ito ang pagkakataon ninyo upang magpatotoo tungkol sa akin. Ipanatag ninyo ang inyong kalooban, huwag kayong mababalisa tungkol sa pagtatanggol sa inyong sarili; sapagkat bibigyan ko kayo ng katalinuhan at ng pananalitang hindi kayang tutulan o pabulaanan ng sinuman sa inyong mga kaaway. Ipagkakanulo kayo ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak, at mga kaibigan. At ipapapatay ang ilan sa inyo. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin, ngunit hindi mawawala ni isang hibla ng inyong buhok. Sa inyong pagtitiis ay tatamuhin ninyo ang buhay na walang hanggan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Sa Diyos ang daigdig at ang sangkatauhan. Ipagkatiwala natin ang ating sarili sa kanya, nang may pananalig at umasa sa kanyang pagtatanggol.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, manatili nawa kami sa iyong pagkalinga.

Ang Simbahan nawa’y tumingin sa kinabukasan nang may kapayapaan at pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng ating paggawa ng kabutihan, ang mga hinahamak, mga tinanggihan, at mga hindi minamahal sa ating lipunan nawa’y makadama ng kalinga ng Diyos sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng matatag na pananalig kay Jesus na nagbubukas ng ating paningin sa kagandahan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at ang mga nagdurusa nawa’y makita at madama ang mapagpagaling na presensya ng Diyos sa mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumaong kamag-anak at mga kaibigan nawa’y pagkalooban ng walang hanggang liwanag at biyaya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, punuin mo kami ng iyong pag-ibig at pawiin mo ang kadiliman sa aming buhay upang makakilos at makagawa kami sa liwanag ni Kristo, ang iyong Anak na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.

THE LOST LESSONS

 17,393 total reads

Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future

Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa. Ika nga ng pinuno ng Caritas Manila, “education is great equalizer”.

Ngunit, papaano kung ang mismong pundasyon na siyang magtatakda ng nation’s future ay dahan-dahang bumabagsak?

Kapanalig, ang Pilipinas ay patuloy na nahaharap sa seryosong krisis pang-edukasyon, hindi lamang ito banta at balakid sa kinabukasan ng milyun-milyong mga mag-aaral na Pilipino kundi sa misyong social at economic development ng bansa.

Dahil sa korapsyon, siksikang mga silid-alaran, kulang-kulang na learning materials, sagad sa trabahong mga guro, patuloy na pagbaba ng academic performance…mababanaag natin ang masakit na katotohanan., milyun-milyong mga mag-aaral ang pumapasok sa paaralan., ngunit marami sa kanila ang hindi nakakatanggap na kuwalidad ng edukasyon na nararapat para sa kanila.

Sinasabi ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2), umaabot sa 49-porsiyento ng mga mag-aaral ay hindi nakakapagbasa sa inaasahan nilang grade level na Grade 3 noong school year 2024-2025.

Ang lalong nakakaalarma Kapanalig: 0.40-percent lamang ng mga estudyante ay nakakaabot ng kanilang profiency sa Grade 12.

Inilalantad ng findings ang nakakabahalang agwat sa pagitan ng pagpasok sa eskuwelahan at natutuhan.

Ang dahilan ng krisis: kakulangan sa sapat na school facilities. Maraming pampublikong paaralan ay nagkakasya sa siksikang silid-aralan, kulang na mga upuan, outdated na mga libro, limitadong learning resources. Noong July 2026, nasa 166,000 ang backlog sa mga silid-aralan sa buong Pilipinas. Ang nakakalungkot, bukod sa kakulangan ng kasanayan sa pagtuturo, ang mga guro ay ‘multi-tasking”.

Kapanalig sa lahat ng krisis na nararanasan sa bansa ay dulot ng kahirapan. Hindi pantay ang oportunidad, paano ka matuto kung ilang kilometro ang lalakarin mo bago makarating sa paaralan, kumakalam ang sikmura, walang access sa learning resources at kailangan pang magbanat ng buto pagkatapos ng klase upang masuportahan ang hapag-kainan. Kapanalig, sa mga mahihirap, hindi fundamental right ang edukasyon., napaka-layong maabot.

Nakasaad sa ARTICLE XIV, Section 1- “The State shall protect and promote the right of all citizens to quality education at all levels and shall take appropriate steps to make such education accessible to all.”

Sa harap ng reyalidad na ito? Nasaan ang gobyerno? Ano ang ginagawa ng mga opisyal ng pamahalaan? Nasaan ang Kongreso? Nasaan ang pangulo ng Pilipinas? Ano ang ginagawa sa bilyun-bilyong pisong pondo kada taon sa Kagawarang Pang-Edukasyon?

Kapanalig, sinasabing “A country cannot build a brighter future by leaving its children behind.”

Kapanalig, sinasabi ng Deuteronomy 6:6-7, “These words I am commanding you today are to be upon your hearts. And you shall teach them diligently to your children and speak of them when you sit at home and when you walk along the road, when you lie down and when you get up”.

Sumainyo ang Katotohanan.

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 67,759 total reads

Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang ating kinabukasan at naglalagay sa panganib sa ating mga buhay.

Bawat taon, nahaharap ang iba’t-ibang komunidad sa malalakas na bagyo, mapinsalang baha, pagguho ng lupa, matinding init ng panahon at matagal na tagtuyot.

Sa kabila ng paulit-ulit na nararanasang trahedya, ang mahalagang katanungan: Sapat ba pa ang ating paghahanda sa maaring tumamang kalamidad?

Ang nakakaalarma Kapanalig, tayo mismo ang tatamaan ng pinsala dahil sa ating kapabayaan. Tayo ang may kasalanan sa hindi tamang waste disposal, laganap ang illegal logging, walang habas na pagmimina sa mga kabundukan, irresponsible development tulad ng PAX Silica at walang pakundangang pagsira sa ating natural na ecosystems.

Mayroon ba tayong ginagawa? May ginagawa ba ang ating gobyerno?

Kapanalig ang disaster preparedness ay hindi dapat ginagawa kapag papalapit na ang bagyo. Nararapat ang ating pamahalaan ay mamuhunan sa matatag na infrastructure, epektibong drainage system, epektibong early warning mechanism, madaling ma-access na evacuation centers, at kumpleto sa kagamitan ang response team.

Pero, ang tanong: Prayoridad ba ng ating mga lider ang pagtugon sa climate crisis? Para sa kanila, sayang lang ang pondo, mas maiging maibulsa muna.

Kapanalig, ang pinakamasaklap na tragedya ay hind isa pananalasa ng kalamidad… kundi sa pagkawala ng inosenteng buhay, dahil sa ating kabiguang maghanda sa kalamidad na alam natin kung kailan mangyayari.

Sa Laudato Si ni Pope Francis: Iginigiit sa mga lider ng bansa at mamamayan ang una: Response to the Cry of the Earth tulad ng paggamit ng malinis na renewable energy at pagbabawas sa paggamit ng fossil fuels; Pangalawa- Response to the Cry of the Poor, Pangatlo: Ecological Economics, sapat na produksyon,patas na kalakalan, ethical na pamumuhunan at iwasan ang mapinsalang economic activity.

Pang-apat: Adoption of Simple Lifestyles, payak na pamumuhay at iwasan ang labis-labis na paggamit ng resources at enerhiya gayundin ang pagbabawas sa pagkain ng karne.

Panglima: Ecological Education, pagre-design sa educational curricula at educational institution reform sa diwa ng integral ecology at ecological vocation ng bawat mamayan.

Pang-anim: Ecological Spirituality,isabuhay ang pagiging mabuting katiwala ng sangnilikha at pangpito:
Community involvement.

Ganito dapat ang mindset nating mga Pilipino, lalu ng mga lider ng bansa sa halip na maging ganid sa pera ng taumbayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

NO REGRETS

 11,654 total reads

Gospel Reading for November 19, 2026 – Luke 9: 41-44

NO REGRETS

As Jesus drew near Jerusalem, he saw the city and wept over it, saying, “If this day you only knew what makes for peace– but now it is hidden from your eyes. For the days are coming upon you when your enemies will raise a palisade against you; they will encircle you and hem you in on all sides. They will smash you to the ground and your children within you, and they will not leave one stone upon another within you because you did not recognize the time of your visitation.”

————

Due to the Jewish insurgency against the Romans, which started in 66 CE, Jerusalem was besieged by Roman soldiers under the command of Titus in 70 CE. The Second Temple was destroyed, and large numbers of residents died from combat, disease, and starvation. Many survivors were enslaved or executed, while the treasures of the Temple were paraded in Rome.

Biblical scholars believe that this was the event Jesus was referring to. He wept because he knew the suffering and death it would bring to his countrymen. He did not think that the Jews deserved such a fate, even though he himself would also experience suffering and death at their hands. He simply regretted that they had not listened to him and understood the importance of spiritual life above governments and politics.

When we listen and follow God’s Word, there will be NO REGRETS.

Lord Jesus, may godly matters always be the priority in our lives. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 17,394 total reads

 17,394 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 67,760 total reads

 67,760 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 201,340 total reads

 201,340 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 286,722 total reads

 286,722 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 349,448 total reads

 349,448 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Nobyembre 5, 2026

 32,626 total reads

 32,626 total reads Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 4, 2026

 35,147 total reads

 35,147 total reads Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33

Read More »

Martes, Nobyembre 3, 2026

 37,232 total reads

 37,232 total reads Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa Diyos Filipos 2, 5-11 Salmo

Read More »

Lunes, Nobyembre 2, 2026

 35,750 total reads

 35,750 total reads Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10.

Read More »

Linggo, Nobyembre 1, 2026

 36,851 total reads

 36,851 total reads Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top