MARTES, NOBYEMBRE 22, 2022

SHARE THE TRUTH

 1,789 total views

Paggunita kay Santa Cecilia, dalaga at martir

Pahayag 14, 14-19
Salmo 95, 10. 11-12. 13

Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.

Lucas 21, 5-11

Memorial of St. Cecilia, Virgin and Martyr (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Martes ng Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Pahayag 14, 14-19

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Akong si Juan ay tumingin, at nakita ko ang isang puting ulap, at nakaupo rito ang isang nilikhang animo’y tao, may koronang ginto at may hawak na isang matalas na karit.

Isa pang anghel ang lumabas mula sa templo at malakas na nagsalita sa nakaupo sa ulap, “Gamitin mo na ang iyong karit, gumapas ka na sapagkat panahon na; hinog na ang anihin sa lupa.” Ikinampay ng nakaupo sa ulap ang kanyang karit, at nagapas ang anihin sa lupa.

At isa pang anghel ang nakita kong lumabas sa templo sa langit; may hawak din siyang matalas na karit.

Lumabas mula sa dambana amg isa ring anghel, ang namamahala sa apoy. Sinabi niya sa anghel na may matalas na karit, “Gamitin mo na ang iyong karit, at anihin mo ang mga ubas sa lahat ng ubasan sa lupa, sapagkat hinog na!” Kaya’t ikinampay ng anghel ang kanyang karit, inani ang mga ubas, at inihagis sa pisaan, na siyang matinding poot ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 95, 10. 11-12. 13

Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.

“Panginoo’y siyang hari,” sa daigdig ay sabihin,
“Sanlibuta’y matatag na, kahit ito ay ugain;
sa paghatol sa nilikha, lahat ay pantay sa paningin.”

Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.

Lupa’t langit ay magsaya, umugong ang kalaliman,
lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang.
Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumigaw,
pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan.

Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.

Ang Poon ay pupurihin, pagkat siya ay daratal,
paririto sa daigdig, upang lahat ay hatulan.
Tapat siya kung humatol at lahat ay pantay-pantay.

Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.

ALELUYA
Pahayag 2, 10k

Aleluya! Aleluya!
Manatili kang matapat
hanggang iyong kamatayan
pagkat buhay, aking bigay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 21, 5-11

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, pinag-uusapan ng ilang tao ang templo – ang kahanga-hangang mga bato na ginamit dito at ang mga palamuti nito na inihandog ng mga tao. Kaya’t sinabi ni Hesus, “Darating ang panahong lahat ng nakikita ninyong iyan ay iguguho, walang batong ititira sa ibabaw ng kapwa bato.”

Tinanong nila si Hesus, “Guro, kailan po ito mangyayari? At ano ang magiging palatandaan na ito’y magaganap na?”

Sumagot siya, “Mag-ingat kayo at nang hindi mailigaw ninuman! Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan na magsasabi, ‘Ako ang Mesias!’ at, ‘Dumating na ang panahon!’ Huwag kayong susunod sa kanila. Huwag kayong mabagabag kung makabalita kayo ng mga digmaan at mga himagsikan. Dapat mangyari ang mga ito, ngunit hindi darating karaka-raka ang wakas.” At sinabi pa niya, “Makikipagdigma ang bansa laban sa kapwa bansa at ang kaharian sa kapwa kaharian. Magkakaroon ng malalakas na lindol, magkakagutom at magkakasalot sa iba’t ibang dako. May lilitaw na mga kakila-kilabot na bagay at mga kagila-gilalas na tanda buhat sa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Sama-samang natitipon bilang Bayan ng Diyos, may pananalig nating dalhin ang ating mga pangangailangan sa Ama, umaasang ipagkakaloob niya ang ating mga kahilingan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, umaasa kami sa Iyo.

Ang ating mga pastol nawa’y ganap na maiukol ang kanilang buhay sa pagpapahayag ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng pagsaksi nila dito, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang at mga guro nawa’y maging mga buhay na halimbawa ng pananampalataya sa mga taong nasa ilalim ng kanilang pagkalinga, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magsumikap na gawin kung ano ang tama at ang Salita ng Diyos ang maging buhay na pwersa na gumagabay sa ating pagkilos, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magmalasakit sa mga matatanda, mga nalulumbay, at mga maysakit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng kapahingahan at bagong buhay sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, palalimin mo ang aming pananampalataya upang umunlad kami sa iyong pag-ibig at tuwinang maglingkod sa iyo nang may bukas-palad at tapat na puso. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pinupulitikang ayuda

 71,258 total views

 71,258 total views Mga Kapanalig, noong kasagsagan ng pandemya, naging matunog na salita ang “ayuda” o ang pinansyal na tulong na natanggap mula sa pamahalaan ng mga naapektuhan ng malawakang lockdown. Kahit tila balik na tayo sa normal na pamumuhay, nagpatuloy ang pamamahagi ng gobyerno ng ayuda sa ilalim ng iba’t ibang programa nito. Pangunahing benepisyaryo

Read More »

Higit sa kita

 82,051 total views

 82,051 total views Mga Kapanalig, “catastrophe” o malaking sakuna ang maaari daw mangyari kapag maisabatas ang panukalang dagdagan ng isandaang piso ang daily minimum wage sa ating bansa.  Iyan ang babala ng isang grupo ng mga negosyante habang kanilang tinututulan ang Senate Bill No. 2354. Ang panukalang batas na ito, na inaprubahan na ng Senado noong

Read More »

Huwag tayong titiklop, huwag tayong aatras

 87,457 total views

 87,457 total views Mga Kapanalig, ginunita pa rin sana natin kahapon, kahit hindi opisyal na holiday, ang ika-38 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.  Marami na sa atin marahil ang nakalimot na o hindi nalalaman ang apat na araw noong Pebrero 1986 kung kailan ipinamalas ng mga Pilipino ang masidhing pagnanais na makaroon ng pagbabago

Read More »

Cybercrime

 124,540 total views

 124,540 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 136,186 total views

 136,186 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Watch Live

Related Story

HUWEBES, MARSO 7, 2024

 540 total views

 540 total views Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 7, 23-28 Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9 Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Lucas 11, 14-23 Thursday of the Third Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jeremias 7, 23-28 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Sinasabi ng Panginoon: “Inutusan ko ang mga

Read More »

MIYERKULES, MARSO 6, 2024

 1,484 total views

 1,484 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 4, 1. 5-9 Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20 Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin. Mateo 5, 17-19 Wednesday of the Third Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 4, 1. 5-9 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Nagsalita si Moises sa mga tao: “Ngayon,

Read More »

MARTES, MARSO 5, 2024

 2,749 total views

 2,749 total views Martes ng Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 3, 25. 34-43 Salmo 24, 4bk-5ab. 6-7bk. 8-9 Poon, iyong gunitain ang pag-ibig mo sa amin. Mateo 18, 21-35 Tuesday of the Third Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Daniel 3, 25. 34-43 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel Noong mga araw na

Read More »

LUNES, MARSO 4, 2024

 3,585 total views

 3,585 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda 2 Hari 5, 1-15a Salmo 41, 2. 3; Salmo 42, 3. 4 Aking kinasasabikan ang Diyos na nabubuhay. Lucas 4, 24-30 Monday of the Third Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA 2 Hari 5, 1-15a Pagbasa mula sa ikalawang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More »

LINGGO, MARSO 3, 2024

 4,370 total views

 4,370 total views Ikatlong Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay (B) Exodo 20, 1-17 Salmo 18, 8. 9. 10. 11 Panginoon, iyong taglay ang Salitang bumubuhay. 1 Corinto 1, 22-25 Juan 2, 13-25 Third Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Exodo 20, 1-17 Pagbasa mula sa aklat ng Exodo Noong mga araw

Read More »

SABADO, MARSO 2, 2024

 4,835 total views

 4,835 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos ay nagmamagandang-loob. Lucas 15, 1-3. 11-32 Saturday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Mikas 7, 14-15. 18-20 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Mikas Patnubayan mo ang iyong

Read More »

BIYERNES, MARSO 1, 2024

 5,115 total views

 5,115 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Gunitain nang malugod ang dakilang gawa ng D’yos. Mateo 21, 33-43. 45-46 Friday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Mas mahal

Read More »

HUWEBES, PEBRERO 29, 2024

 4,956 total views

 4,956 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 17, 5-10 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. Lucas 16, 19-31 Thursday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jeremias 17, 5-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Sinasabi ng Panginoon, “Parurusahan ko ang

Read More »

MIYERKULES, PEBRERO 28, 2024

 5,378 total views

 5,378 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 18, 18-20 Salmo 30, 5-6. 14. 15-16 Pag-ibig mo’y walang maliw kaya’t ako’y ‘yong sagipin. Mateo 20, 17-28 Wednesday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jeremias 18, 18-20 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Ang sabi ng mga tao: “Iligpit

Read More »

MARTES, PEBRERO 27, 2024

 5,541 total views

 5,541 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 1, 10. 16-20 Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Mateo 23, 1-12 Tuesday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 1, 10. 16-20 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Mga pinuno

Read More »

LUNES, PEBRERO 26, 2024

 5,824 total views

 5,824 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 9, 4b-10 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Panginoon, aming hiling: patawad sa sala namin. Lucas 6, 36-38 Monday of the Second Week in Lent (Violet) UNANG PAGBASA Daniel 9, 4b-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel Panginoon, dakila at Makapangyarihang Diyos

Read More »

LINGGO, PEBRERO 25, 2024

 5,980 total views

 5,980 total views Ikalawang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay (B) Genesis 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18 Salmo 115, 10 at 15. 16-17. 18-19 Sa piling ng Poong mahal ako’y laging namumuhay. Roma 8, 31b-34 Marcos 9, 2-10 Second Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Genesis 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18 Pagbasa

Read More »

SABADO, PEBRERO 24, 2024

 6,192 total views

 6,192 total views Sabado sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 26, 16-19 Salmo 118, 1-2. 4-5. 7-8 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Mateo 5, 43-48 Saturday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 26, 16-19 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Ngayon

Read More »

BIYERNES, PEBRERO 23, 2024

 6,498 total views

 6,498 total views Biyernes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 18, 21-28 Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8 Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Mateo 5, 20-26 Friday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Ezekiel 18, 21-28 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel Sinasabi ng Panginoon: “Kung ang isang

Read More »

HUWEBES, PEBRERO 22, 2024

 6,269 total views

 6,269 total views Kapistahan ng Luklukan ni Apostol San Pedro 1 Pedro 5, 1-4 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Mateo 16, 13-19 Feast of Chair of St. Peter the Apostle (White) UNANG PAGBASA 1 Pedro 5, 1-4 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro Mga pinakamamahal, sa

Read More »
Scroll to Top