HUWEBES, DISYEMBRE 29, 2022

SHARE THE TRUTH

 1,983 total reads

Ika-5 Araw ng Pagdiriwang sa Pasko ng Pagsilang
o kaya Paggunita kay Santo Tomas Becket, obispo at martir

1 Juan 2, 3-11
Salmo 95, 1-2a. 2b-3, 5b-6

Magalak ang kalangitan,
at daigdig ay magdiwang.

Lucas 2, 22-35

The Fifth Day in the Octave of Christmas (White)
or Optional Memorial of St. Thomas Becket, Bishop and Martyr (Red)

UNANG PAGBASA
1 Juan 2, 3-11

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan

Minamahal kong mga kapatid, nakatitiyak tayong nakikilala natin ang Diyos kung sinusunod natin ang kanyang mga utos. Ang nagsasabing, “Nakikilala ko siya,” ngunit sumusuway naman sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan. Ngunit ang tumutupad sa salita ng Diyos ay umiibig sa kanya nang wagas. Ganito natin nalalamang tayo’y nasa kanya. Ang nagsasabing nananatili siya sa Diyos ay dapat mamuhay tulad ng pagkapamuhay ni Hesukristo.

Mga minamahal, hindi isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo, kundi ang dating utos na nasa inyo na sa simula pa. Ito’y ang salitang narinig na ninyo. Gayunman, maituturing na isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo. Bago, sapagkat napapawi na ng kadiliman at lumiliwanag na ang tunay na ilaw. Ang katotohanan nito’y nasaksihan sa buhay ni Kristo at nakikita rin sa atin.

Ang nagsasabing siya’y nasa liwanag ngunit napopoot sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman pa. Ang umiibig sa kanyang kapatid ay nananatili sa liwanag, at walang panganib na mabulid siya sa kasalanan. Ngunit ang napopoot sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman pa. Lumalakad siya sa kadiliman at hindi nalalaman ang kanyang patutunguhan, sapagkat binulag siya ng kadiliman.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 95, 1-2a. 2b-3, 5b-6

Magalak ang kalangitan,
at daigdig ay magdiwang.

Purihin ang Panginoon, awitan ng bagong awit;
Panginoo’y papurihan nitong lahat sa daigdig!
Awitan ang Panginoon, ngalan niya’y sakdal rikit.

Magalak ang kalangitan,
at daigdig ay magdiwang.

Araw-araw ang ginawang pagliligtas ay ilathala.
Kahit saa’y ipahayag na ang Poon ay dakila,
sa madla ay ipahayag ang dakila niyang gawa.

Magalak ang kalangitan,
at daigdig ay magdiwang.

Panginoon ang may likha ng buong sangkalangitan.
Naliligid siyang lagi ng dangal at kabanalan,
ang lubos n’yang kagandahan ay sa templo mamamasdan.

Magalak ang kalangitan,
at daigdig ay magdiwang.

ALELUYA
Lucas 2, 32

Aleluya! Aleluya!
Para sa lahat ng bansa
liwanag na nagmumula
sa bayan mong dinakila!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 2, 22-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong dumating ang araw ng paglilinis sa kanila, ayon sa kautusan ni Moises, ang mga magulang ni Hesus ay pumunta sa Jerusalem. Dala nila ang sanggol upang iharap sa Panginoon, sapagkat ayon sa Kautusan, “Ang bawat panganay na lalaki ay nakatalaga sa Panginoon.” At naghandog sila, ayon sa hinihingi ng Kautusan ng Panginoon: “Mag-asawang batu-bato o dalawang inakay na kalapati.”

May isang tao noon sa Jerusalem, ang pangala’y Simeon. Matapat at malapit sa Diyos ang lalaking ito at naghihintay sa katubusan ng Israel. Sumasakanya ang Espiritu Santo na nagpahayag sa kanya na hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya nakikita ang Mesias na ipinangako ng Panginoon. Sa patnubay ng Espiritu, pumasok siya sa templo. At nang dalhin doon ng kanyang mga magulang ang sanggol na si Hesus upang gawin ang hinihingi ng Kautusan, siya’y kinalong ni Simeon. Ito’y nagpuri sa Diyos, na ang wika,
“Kunin mo na, Panginoon, ang iyong abang alipin,
ayon sa iyong pangako,
yamang nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas,
na inihanda mo para sa lahat ng bansa:
Liwanag itong tatanglaw sa mga Hentil,
at magbibigay-karangalan sa iyong bayang Israel.”
Namangha ang ama’t ina ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon tungkol sa kanya. Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria, “Tandaan mo, ang batang ito’y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda mula Diyos ngunit hahamakin ng marami kaya’t mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso mo’y para na ring tinarakan ng isang balaraw.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Disyembre 29

Ang pagkakita ni Simeon sa Sanggol na Jesus ay katuparan ng isang pangako. Ilapit natin ang ating mga pag-asam at kahilingan sa Ama na laging tapat sa kanyang mga pangako.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Tapat na Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang Simbahan, bilang isang pamilya, nawa’y maging isang huwaran at gabay ng mga bansa sa mundo sa kanilang pagsisikap na magkaroon ng pagkakasundo at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang maipakita ang higit na pagpapahalaga sa mga miyembro ng ating pamilya na ang pagmamahal ay binabalewala natin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilyang nagkahiwa-hiwalay nawa’y magkasundo at muling mabuo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makadama ng init ng pagmamahal at pagkalinga ng mga kasapi ng kanilang sariling pamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pumanaw na sa mundong ito nawa’y pagkalooban ng walang hanggang katiwasayan at liwanag, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, balutin mo kami sa kabutihan at pagtitiyaga. Sa pagpapatuloy ng aming buhay, marapatin mong higit kaming lumago at matularan ang iyong Anak. Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

GREAT TRUST

 3,079 total reads

Gospel Reading for October 02, 2026 – Matthew 18: 1-5, 10

GREAT TRUST

The disciples approached Jesus and said, “Who is the greatest in the Kingdom of heaven?” He called a child over, placed it in their midst, and said, “Amen, I say to you, unless you turn and become like children, you will not enter the Kingdom of heaven. Whoever humbles himself like this child is the greatest in the Kingdom of heaven. And whoever receives one child such as this in my name receives me. “See that you do not despise one of these little ones, for I say to you that their angels in heaven always look upon the face of my heavenly Father.”

————

Today, the Church celebrates the Memorial of the Holy Guardian Angels.

There are several beliefs regarding guardian angels. There is a traditional belief that for each one of us, an angel is assigned to guide, guard, and protect us throughout our lives. There is also a belief that they collectively protect human lives upon God’s initiative and in His time. Whatever our belief may be, what is important is Jesus’ assurance that there are indeed angels who are meant to protect us from harm, especially from the evil one.

A child will always remind us of how simple life truly should be—free from cares and worries, and ever dependent on the adults in whose care they are. Although we may already be adults, if we have GREAT TRUST in God, then we, too, can be free from cares and worries and remain ever dependent on the grace of God.

Parents and guardians, however, have to take their responsibility seriously—to enhance the qualities that their children already have and to help them grow into responsible and caring individuals. A lot of children lose their childlike qualities even before they become adults because they belong to dysfunctional families. What is worse is the great risk that, because of this, they may become juvenile delinquents.

According to the United Nations, children have basic rights: the right to survival, the right to development, the right to protection, and the right to participation. These little ones have all the rights accorded by God to every living person. We have to treat them with the same respect that we give to adults.

Angel of God, my guardian dear,
to whom God’s love commits me here,
ever this day be at my side,
to light and guard, to rule and guide.
Amen.

We are angels too!

 4,201 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Souls by Fr. Nicanor F. Lalog II
Friday, Twenty-Sixth Week in Ordinary Time, Year II
Feast of Guardian Angels, 02 October 2026
Exodus 23:20-23     <*{{{{>< + ><}}}}*>     Matthew 18:1-5, 10
Photo by author, Baguio City Cathedral, 2019.
Glory and praise
to you, O God our
loving Father in giving
us guardian angels, 
your messengers 
and servants
you send us 
to guide us,
to protect us,
to lead us.

“See that you do not despise one of these little ones, for I say to you that their angels in heaven always look upon the face of my heavenly Father” (Matthew 18:10).

Angels are 
spiritual creatures,
so pure and holy,
with will and intellect;
but, as the psalmist
sings, you O Lord
created us humans
higher than angels
with body able to touch,
feel and see others and be
felt and seen by others too;
but, how sad,
unlike the angels,
we are so concerned 
always with who is the
greatest among us;
forgive us, Lord,
in this age of social
media when everything
is exposed and must be seen,
must be felt and tasted, 
we have come to value greatness
in terms of popularity
and wealth, power and fame,
achievements and success
whether at home or in school,
in offices and parishes,
everywhere.
Teach us, Jesus,
to be like little children
who always portray angels
in the arts because of their
simplicity and sincerity; 
may we keep in mind 
that we are already good 
and great in our selves, 
even greater than angels; 
may we be faithful like
the guardian angels as
God's messengers and servants
especially to those who are
sick and burdened,
alone and forgotten
by family and friends
even by society,
troubled and anxious
with life's many problems;
likewise, we remember
and pray for those people
who have always been an angel
to us, bringing Christ's loving
presence among us.
Amen.
Photo by Pixabay on Pexels.com

BSKE POSTPONEMENT

 29,557 total reads

Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E.

Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado ang halalan,.. ipagpaliban na naman ilang buwan bago ang nakatakdang elections., pinahaba ang termino ng mga opisyal ng barangay.

Pagkatapos, simula na naman ang cycle… itakda ang halalan., i-postpone.. ang masakit, malaki na ang nagastos ng COMELEC sa paghahanda, napunta sa wala., nasayang ang pera ng taumbayan. Bukod pa ang katotohanang inalis na naman ang karapatan ng mga Pilipino na bumoto.

Ang badyet sa BSKE ay 16-bilyong piso lang naman. Sa isang bansang tinitiis ng maraming pamilyang Pilipino ang magpagamot, kulang ang learning resources para sa mga mag-aaral., hirap na hirap ang mga manggagawa sa mataas na gastusin sa pamasahe., mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.., wala nang debate sa pagpapaliban ng BSKE.

Ang tanong Kapanalig, kailangan pa ba ng Pilipinas ang BSKE? Dapat na bang i-abolished and BSKE?

Kinikilala ng 1987 constitution ang barangay bilang political subdivisions at dapat protektahan ang local autonomy.

Kaya Kapanalig, kung hindi magawang i-abolish ng Kongreso ang BSKE., nararapat itong magtrabaho sa halip na gawing norman ang pagpapaliban sa halalan at hayaang manatili sa kanilang posisyon ang mga opisyal ng barangay ng matagal.

STOP postponing BSKE

Sa halip na temporary postponement! Dapat isulong ng Kongreso ang permamenteng reporma sa istraktura ng barangay na hindi na kailangan pang magkaroon ng halalan. Sa gagawing restructuring ng Barangay system, nangangailangan ito ng maayos at pinag-aralang lehislasyon, review ng constitution at makabuluhang pakikiisa ng publiko.

Hindi dapat, nilalapastangan at ipinagkakait ng Kongreso ang karapatan ng mga Pilipino botante na bumoto!

Kapanalig, Isinaad sa Article V (Section 1) ng 1987 Constitution: “Suffrage may be exercised by all citizens of the Philippines, not otherwise disqualified by law, who are at least eighteen years of age and who shall have resided in the Philippines for at least one year and in the place wherein they propose to vote for at least six months immediately preceding the election. No literacy, property, or other substantive requirement shall be imposed on the exercise of suffrage.”

Kapanalig, sinasabi ng Catechism of the Catholic Church 2240- “Submission to authority and co-responsibility for the common good make it morally obligatory to pay taxes, to exercise the right to vote, and to defend one’s country”.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 29,558 total reads

 29,558 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 132,306 total reads

 132,306 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 172,864 total reads

 172,864 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 193,318 total reads

 193,318 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 241,011 total reads

 241,011 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Oktubre 5, 2026

 469 total reads

 469 total reads Lunes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Maria Faustina ng Kowalska, dalaga Galacia 1, 6-12 Salmo 110, 1-2.

Read More »

Linggo, Oktubre 4, 2026

 2,843 total reads

 2,843 total reads Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 5, 1-7 Salmo 79, 9 at 12. 13-14. 15-16. 19-20 Panginoon, iyong tanim ang ubasan mong

Read More »

Sabado, Oktubre 3, 2026

 4,535 total reads

 4,535 total reads Sabado ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Job 42, 1-3. 5-6. 12-16

Read More »

Biyernes, Oktubre 2, 2026

 6,328 total reads

 6,328 total reads Paggunita sa mga Banal na Anghel na Tagatanod Exodo 23, 20-23 Salmo 90, 1-2. 3-4. 5-6. 10-11 Mga anghel niyang banal sa inyo

Read More »

Huwebes, Oktubre 1, 2026

 7,443 total reads

 7,443 total reads Paggunita kay Santa Teresita ng Sanggol na si Hesus, dalaga at pantas ng Simbahan Job 19, 21-27 Salmo 26, 7-8a. 8b-9abk. 13-14 Makikita

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top