Abu Sayyaf at mga taga gobyerno, magkasabwat –Fr. Alforque

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 682 total views

Hindi malutas ang problema sa bandidong Abu Sayyaf Group dahil sa kasabwat ang ilang opisyal ng pamahalaan at ng militar sa kriminal na gawain ng mga ito.

Ayon kay Fr. Benjamin Alforque, head ng Justice and Peace Commission ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP), base sa mga karanasan ng mga pari na naging bahagi ng mga nakalipas na negosasyon, partikular na magkasabwat ang mga ito sa ransom money ng mga kidnapped victims.

Pahayag ito ng pari, kaugnay na rin ng pagpatay ng ASG sa dalawang Canadians sa kanilang mga bihag na banyaga matapos mabigong mabigyan sila ng ransom.

“Nalulungkot din, tingnan natin kung may galit ang mga tao ngayon, bakit ang Abu Sayyaf andiyan pa bakit hindi ma-solve solve ito, sa karanasan ng mga pari na tumulong sa mga negosasyon noon nakita nila na hindi lang ito Abu Sayyaf, kundi may sabwatan ito sa mga government officials, military officials especially sa paghahati ng ransom money, it makes the whole things complicated…” pahayag ni Fr. Alforque sa panayam ng programang Veritas Pilipinas sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, inihayag ng pari na ang pagpatay ng ASG sa mga bihag nilang banyaga ay isang yugto lamang ng kanilang patuloy na kriminal na gawain at isang hakbang upang ipahiya ang bagong administrasyong Duterte.

Hinimok din ni Fr. Alforque ang sambayanang Filipino na makiramay sa mga inosenteng sibilyan na biktima ng karahasan sa bansa ng nasabing teroristang grupo.

“Kung ibig nilang makuha ang ransom, pinapatay nila ang kanilang ina-abduct, kaya nakakalungkot yan, dapat tayong lahat ay makiramay din sa mga inosenteng taong ito na biktima ng karahasan dito, pangalawa, sinabi na sa kasalukuyan na ginawa nila yun para pahiyain ang incoming president maaring nakakita sila ng partikular reason lalo na sabi ni incoming president Duterte sa Prime Minister ng Canada na di na maulit yung nangyaring unang pinatay ng ASG, isang yugto lang ito ng kanilang patuloy na gawain sa mga kidnap for ransom nila.” Ayon pa sa pari.

Kamakailan, natagpuan ang sinasabing pugot na ulo ng Canadian na si Robert HJall malapit sa Cathedral ng Jolo Sulu habang nitong buwan ng Abril nakita ang pugot na ulo ni John Ridsdel.

Ayon sa ulat ng Armed forces of the Philippines, mula February 2012 hanggang April 15, 2016 nasa 13 ang mga banyagang bihag ng Abu Sayyaf Group kabilang ang nabanggit na 2 Canadians.

Mariing kinokondena ng Simbahang Katolika, ang pagpatay dahil ito ay labag sa batas ng Diyos at ang pagpatay sa isang tao ay pagpatay na rin sa buong sangkatauhan, at ang pag-sagip sa isa ay pagsagip na rin sa lahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 57,171 total views

 57,171 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 79,281 total views

 79,281 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 155,286 total views

 155,286 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 155,110 total views

 155,110 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 201,911 total views

 201,911 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top