C-B-C-P, nakiramay sa pamilya ng O-F-W na nasawi sa Milan,Italy.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 665 total reads

Nakikiramay ang Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa mga kaanak ng isang Pinay domestic helper sa Milan, Italy na namatay sa isang aksidente.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, pagpapakita lamang ito na ang buhay ng mga overseas Filipino workers laging nasa bingit ng panganib ngunit patuloy na nagsusumikap para lamang matulungan ang kanilang mahal sa buhay.

Maging aral nawa ayon kay Bishop Santos sa pamahalaan ang naturang insidente upang mas lalong bigyan ng pagpapahalaga ang nasa 15 milyong OFW sa iba’t ibang panig ng mundo.

“Ito ay nagpapakita sa atin na kung saan ang buhay ng ating mga OFW ay palaging nasa panganib at ang kanilang ginagawa ay tanda ng pagpapakasakit ng pagmamalasakit ng mga naiwan nila dito sa Pilipinas na gumanda ang buhay. Isang buhay ang naitaya nagpakasakit para sa buhay ng mga naiwan dito. At ito ay isang aral na dapat nating pahalagahan, alagaan at ingatan ang buhay ng ating mga OFW,”pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Nag – alay naman ito ng panalangin upang lubusan ng matanggap at manalig sa Diyos ang pamilya ng nasawing Pinay domestic helper at gayundin ang kaligtasan rin ng iba pang mga OFW.

“…ating ipagdasal na sa kanilang pagtatrabaho, sa kanilang paglalakad, sa kanilang pamumuhay sa kanilang bansa palagi silang gabayan ng Diyos, maging ligtas sa kapahamakan at karamdaman,” giit pa ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Sa inisyal na imbestigasyon, nahagip ng SUV o sport utility vehicle ang biktima na si Myrna Reyes at nabagok pa ang ulo nito sa kalsada.

Naisugod pa si Reyes sa ospital, pero binawian din ng buhay makalipas ang isang oras dahil sa internal bleeding. Inaasikaso na ng OWWA ang mga papeles para maiuwi dito sa Pilipinas ang labi ng nasabing Pinay domestic helper.

Nauna na ring binanggit ni Pope Francis na kailangang pangalagaan ang mga OFW dahil sila ang nagpapa – anagt ng ekonomiya ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 61,129 total reads

 61,129 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 99,184 total reads

 99,184 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 133,312 total reads

 133,312 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 189,718 total reads

 189,718 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 320,920 total reads

 320,920 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 427,005 total reads

 427,005 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top