Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 76,256 total views

AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng kapayapaan na ibinigay ng mundo. Huwag na kayong mabalisa; huwag kayong matakot.” (Juan 14:27)

Mga kapatid ko sa Bikaryato ng Taytay,
Ang kapayapaan ng Panginoong Jesus ay sumainyo.

Kapayapaan ang pinag-uusapan ngayon sa buong mundo. Ang hangarin ng mga tao ay kapayapaan. Ito rin ang ating inaasahan sa mga negosasyon ngayon sa mga bansa. Pero anong klaseng kapayapaan? Naririnig natin ang sinasabi ng mga leaders ng mundo na ang kapayapaan ay resulta ng lakas at ng dahas. “Dudurugin natin sila para sila ay ang mapilitan na humingi ng kapayapaan.” Oo, maaaring magdala ng pansamantalang katahimikan at tigil putukan ang pagdurog sa iba, pero hindi ito magdadala ng tunay at pangmatagalan na kapayapaan. Ang panlabas na katahimikan na maaaring magresulta dito ay kumukubli lamang ng panloob na galit at pagngingitngit na sisiklab uli sa panahong hindi inaasahan.

Mga kapatid, huwag po tayong maniwala na ang kapayapaan ay madadala ng lakas at ng dahas. Ang kapayapaan ay matatagpuan lamang sa pag-uusap na may tiwala at paggalang sa isa’t-isa. Kaya sa pagbigay ni Jesus ng kanyang kapayapaan, idinugtong niya: “Huwag kayong mabalisa; huwag kayong matakot.” Kung may paghihinala, kung walang tiwala, mayroong takot.

Tama ang panawagan ng ating Santo Papa Leon na mag-usap sa halip na magbombahan. Ngayon nagsisikap na mag-usap ang mga dating nagbobombahan kasi nakita nila na ang mga malalaki at mamahaling mga bomba na pinasabog nila sa kaaway ay hindi naman nagdala ng hinahangad na kapayapaan at kaayusan. Mas lalo pa nga gumulo ang mundo. Bakit pa ba kailangan na dumaan sa higit na isang buwan ng pagbobomba bago matuto na hindi naman ito nagdadala ng tagumpay? Kung noon pa ipinagpatuloy ang pag-uusap nila kasi nag-uusap na sila noon, sa halip magpadala ng bomba, hindi na sana gugulo ang mundo na nararanasan natin ngayon. Sa lahat ng labanan sa buong mundo hindi naman ang bomba o ang sandata ang nagdala ng kapayapaan kundi ang negosasyon.

Makiisa po tayo sa ating Santo Papa na manawagan ng kapayapaan kasi ito ay mensahe ni Jesus, pero kapayapaan na naggaling sa pag-uusap at paggalang sa kapwa tao. Huwag nating hayaan na ang tinig ng kapayapaan ay malunod ng mga pagsabog ng mga bomba. Huwag tayong matakot at huwag tayong tumigil na sabihin ang bati ni Jesus na ating Panginoon: “Ang kapayapaan ay sumainyo.” (Juan 20:19)

Hindi tayo maaaring manatiling manhid sa harap ng mga digmaan sa iba’t ibang dako ng mundo. Bagama’t ang mga labanan ay libu-libong kilometro ang layo mula sa ating mga dalampasigan, ang epekto nito ay nararamdaman nating lahat. At sa digmaan, walang nananalo, kundi lahat ay talunan. Ang pagkatalo ay hindi lamang ng mga bansa naglalabanan, kundi ng buong sangkatauhan. Nararanasan na natin ito ngayon sa pagtataas ng mga presyo ng pamasahe at ng mga bilihin. Pinahihirapan ang buhay natin ng anumang digmaan sa saanmang panig ng daigdig.

Bahagi ng ating panawagan at hangarin sa kapayapaan ay ang pagdarasal para sa kapayapaan. Nawa’y hipuin ng Espiritu Santo ang puso ng mga pinuno ng mga bansa upang piliin nila ang landas ng negosasyon kaysa sa dahas. Maniwala tayo na may kapangyarihan ang panalangin. Makalangit ang kapangyarihang ito, at ito ay mabisa. Magrosaryo tayo! Tumawag tayo sa Mahal na Inang Maria na siyang Reyna ng Kapayapaan. Sa ating mga pamilya, sa ating mga Kriska o Munting Sambayanang mga Kristiyano, sa ating mga simbahan, hayaan nating umalingawngaw ang pananambitan para sa kapayapaan. Maniwala tayo sa sinabi ni Jesus: “Mapalad ang gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila ay ituturing na mga anak ng Diyos.” (Mateo 5:9) Ang ating patuloy na panawagan at pahayag na itigil na ang digmaan, ang ating pagtanggi sa pag-iisip na ang lakas at dahas ay nagdadala ng kapayapaan, at ang ating patuloy na pagdarasal, ay mga pamamaraan upang magkaroon ng kapayapaan sa mundo.

Ang kasama ninyong naghahangad ng kapayapaan,
Obispo Broderick Pabillo
Obispo ng Bikaryato ng Taytay
Ika-21 ng Abril taong 2026.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 31,978 total views

 31,978 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 41,342 total views

 41,342 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 67,798 total views

 67,798 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 117,302 total views

 117,302 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 120,375 total views

 120,375 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 268,720 total views

 268,720 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top