Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Aging in the Philippines

SHARE THE TRUTH

 121,055 total views

Ang pagtanda ay natural na bahagi ng ating pagkatao. Blessing ito, kapanalig. Kaya lamang, sa ating bansa, at maging sa ibang parte ng mundo, ang aging o pagtanda ay kinatatakutan at iniiwasan ng marami. Ang pagtanda, para sa iba, ay kasingkahulugan ng kawalan ng income, panghihina, at kawalan ng gagawin sa buhay.

Malaking pagkakamali ang ganitong pananaw, at dapat natin itong iwaksi sa ating lipunan lalo pa’t magkakaroon ng demographic shift, hindi lamang sa ating bayan, kung hindi maging sa maraming bansa sa Asya sa nalalapit na panahon. Ilang pag-aaral na ang nagpapakita na pagdating ng 2050, malaking bahagi ng populasyon ng Asya ay bubuin ng mga indibidwal na may edad 60 pataas. Tinatayang isa sa apat na tao sa Asya ay seniors na pagdating ng 2050. Sa Pilipinas, tinatayang tatalon sa mahigit 15% mula sa 6% ang porsyento ng seniors sa ating bayan. Katumbas ito ng mahigit 23 milyong katao.

Malaking blessing ito, pero, may mga dala rin itong hamon na mahihirapan tayong harapin kung business as usual pa rin ang treatment natin sa ating mga nakakatandang kababayan.

Isa sa mga pangunahing isyu ay ang kanilang kalusugan. Maraming senior citizens ang nahihirapang magkaroon ng access sa dekalidad na serbisyong pangkalusugan. Kabilang dito ang mga check-up, gamot, at iba pang pangangailangang medikal. Maaring ito ay dulot ng kakulangan sa pondo para sa kalusugan o kakulangan sa impormasyon tungkol sa mga serbisyo para sa mga nakatatanda.

Ang kabuhayan ng mga seniors ay mahalaga ring bigyang pansin. Marami sa kanila ang naiiwan na lamang sa bahay, nag-iisa, at walang regular na kita. Ang ilan ay hindi na maaaring magtrabaho dahil sa pisikal na limitasyon. Dapat ay magkaroon ng mga programa at proyektong naglalayong suportahan ang kabuhayan ng mga senior citizens, tulad ng mga training para sa alternative livelihoods o mga programa ng microfinancing.

Ang edukasyon at kamalayan ukol sa mga karapatan ng mga senior citizens ay isa ring mahalagang bahagi ng pag-aaral sa aging sa Pilipinas. Marami sa kanila ang hindi alam ang kanilang mga karapatan at benepisyo, kaya’t mahalaga ang kampanya para sa edukasyon tungkol dito. Kailangan natin ng mga hakbang na naglalayong mapalakas ang proteksyon at kalinga sa mga senior citizens.

Kapanalig, ang pagtanda ay biyaya, lalo sa ating panahon ngayon na marami ng oportunidad para sa seniors, marami ng teknolohiya at makabagong imbensyon na hindi lamang nagpapagaan at nagpapahaba ng buhay ng tao, kundi nagbibigay tulong pa upang tayo ay mapalakas at makakilos, kahit ano pa ang ating edad. Ang seniors ay untapped resource na malaki ang ambag sa ekonomiya at lipunan. Sila rin ang tagasalin ng tradisyon, kultura, at mga aral ng nakaraan para sa ating mga kabataan. Sila ay ating inspirasyon at motibasyon.

Kailangan lamang nating maging handa sa pagbabago ng demograpiya ng bayan, at isulong ang inclusiveness sa ating lipunan. Ang kabiguan sa aspetong ito ay malaking dagok sa ating bayan. Mahalaga ang papel ng pamahalaan, komunidad, at bawat isa sa pagtugon sa pangangailangan ng mga senior citizens. Sa pamamagitan ng makabuluhang programa at pagtutulungan ng bawat sektor ng lipunan, maaaring magtagumpay ang bansa sa pagsalubong sa pagbabago ng straktura ng ating populasyon sa nalalapit na panahon.

Napaka-angkop dito ang mensahe ni Pope Francis noong nakaraang Third World Day for Grandparents and the Elderly. Dinggin sana natin: Ang presensya ng ating mga lolo at lola ay mahalaga, dahil ito ay nagpapaalala sa atin na mula tayo sa iisang ugat. Mula sa kanila ay natanggap natin ang ating pananalig. Kailangan sila ng Simbahan, gayundin ng lipunan. Ibinabahagi nila sa ating ngayon ang kanilang nakaraan na kailangan para naman mabuo ang kinabukasan nating lahat. Parangalan natin sila, let us honor them. Huwag nating ipagkait sa kanila ang ating presensya at aruga. Huwag nating hayaang maisantabi ang mga matatanda.

Sumainyo ang Katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 2,987 total views

 2,987 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 8,960 total views

 8,960 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 14,715 total views

 14,715 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 21,978 total views

 21,978 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 29,963 total views

 29,963 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 2,988 total views

 2,988 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 8,961 total views

 8,961 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 14,716 total views

 14,716 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 21,979 total views

 21,979 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 29,964 total views

 29,964 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,226 total views

 35,226 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,230 total views

 47,230 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,272 total views

 55,272 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,829 total views

 46,829 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,254 total views

 45,254 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,040 total views

 47,040 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,965 total views

 43,965 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,279 total views

 58,279 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,969 total views

 61,969 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,572 total views

 60,572 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top