Ipanalangin ang pagkakaroon ng Obispo sa mga lugar na sede vacante-CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,995 total reads

Hinihikayat ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang mga mananampalataya na manalangin para sa biyaya ng pagkakaroon ng mga obispong mangangasiwa sa mga diyosesis lalo’t higit sa mga lugar na sede vacante.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Bishop David sa naganap na funeral mass ni Davao Archbishop-emeritus Fernando Capalla noong ika-15 ng Enero, 2024 kung saan inalala at ipinanalangin din ni Bishop David ang apat na mga Obispo na namayapa kamakailan lamang kabilang na si Gumaca Bishop Victor Ocampo, Tarlac Bishop Enrique Macaraeg, at Pagadian Bishop Ronald Lunas.

Nawa ayon kay Bishop David ay patuloy na gabayan ni Archbishop Capalla na naging Obispo sa edad na 40-taong gulang ang Simbahang Katolika sa pamamagitan ng pagiging tagapamagitan sa panalangin ng sambayanan para sa pagkakaroon ng mga bagong pastol ng bansa.

“Since last year we have lost 4 brother bishops, 3 active and relatively younger once like Bishop Victor Ocampo of Gumaca, Bishop Enrique Macaraeg of Tarlac, and Bishop Bong Lunas, and one emeritus our beloved Archbishop Nanding. Now we have nine vacant dioceses waiting for a bishop and so I ask you to please pray hard that new bishops be appointed soon to fill up the vacancies. I make that prayer asking for Archbishop Nanding Capalla who became a bishop at the young age of 40 to intercede for us.” Ang bahagi ng mensahe ni Bishop David.

Sa kasalukuyan ay siyam na diyosesis sa bansa ang sede vacante-ito ay ang mga diyosesis ng Alaminos, Baguio, San Pablo, Balanga, Gumaca, Ipil, Tarlac, Catarman at Diyosesis ng Pagadian.

Inaasahan ding sa mga susunod na taon ay ilang obispo pa sa bansa ang magreretiro sa pagtuntong sa mandatory retirement age na 75 taon.

Sa tala ng Radyo Veritas Catholink, dalawang obispo sa Pilipinas ang magdiriwang ng ika-75 taon ngayong 2024, ito ay sina Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo ngayong buwan ng Enero at Infanta Quezon Bishop Bernardino Cortez sa darating na Hulyo.

Bagama’t nasa 75-taon at higit pa, apat na obispo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang patuloy pa ring nangangasiwa sa kanilang diyosesis na kinabibilangan nina Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona (77-taong gulang); Virac Bishop Manolo Delos Santos (76-taong gulang); Cubao Bishop Honesto Ongtioco (75-taong gulang) at Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud (75-taong gulang).

Nasasaad sa Canon 401 ng Code of Canon Law na kinakailangang magsumite ng liham-pagbibitiw ang mga obispo pagsapit ng edad na 75-taon gulang, bagama’t ang Santo Papa pa rin ang magpapasya kung tatanggapin o hindi ang pagreretiro ng mga obispo.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 948 total reads

 948 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 51,618 total reads

 51,618 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 136,984 total reads

 136,984 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 183,720 total reads

 183,720 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 231,591 total reads

 231,591 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 333,069 total reads

 333,069 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top