KAPATID, nagpapasalamat sa suporta ng CBCP sa political prisoners

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,094 total reads

Nagpapasalamat ang KAPATID,organisasyon ng mga kapamilya ng political prisoners kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa pagtanggap sa imbitasyon na magdiwang ng banal na misa para sa Persons Deprived of Liberty partikular na para sa mga political prisoners noong ika-16 ng Enero, 2024.

Pagbabahagi ni Kapatid spokesperson Fides Lim, lubos ang pasasalamat ng organisasyon para sa pagbibigay pansin ni Bishop David sa kalagayan ng mga political prisoners gayundin sa pakikiisa sa panawagan para sa pagpapalaya ng mga PDLs na matatanda at may mga sakit.

“We are overjoyed he accepted our invitation to say a Mass for our intentions to call attention to the plight of the political prisoners and our appeal for the release of the elderly and sick,” ang bahagi ng pahayag ni Lim.

Nakatuwang ni Bishop David sa pagdiriwang ng banal na misa sina CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care Executive Secretary Rev. Fr. Nezelle O. Lirio at Rev. Fr. John Albert V. Absalon mula sa prison ministry ng CBCP at Diocese of Pasig.

Naganap ang banal na misa sa Metro Manila District Jail Annex 4 (MMDJ-4) sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City na unang misa na isinagawa sa loob ng piitan sa loob ng nakalipas na limang taon at kauna-unahang banal na misa sa pangunguna ng isang obispo.

Ang Metro Manila District Jail Annex 4 (MMDJ-4) na kilala din bilang Special Intensive Care Area 1, ay itinuturing na “showcase” prison for “high-profile” male detainees kung saan aabot sa 348 ang mga nakapiit na Persons Deprived of Liberty dito kabilang na ang 26 political prisoners.

Dinaluhan ang banal na misa ng ilang mga PDLs, mga kaibigan at kaanak ng mga political prisoners, ilang mga opisyal ng piitan gayundin ang mga kinatawan mula sa prison ministry ng CBCP at organisasyon ng KAPATID.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 1,572 total reads

 1,572 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 52,718 total reads

 52,718 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 138,084 total reads

 138,084 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 184,820 total reads

 184,820 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 232,691 total reads

 232,691 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 334,125 total reads

 334,125 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top