280 total views
Ikinatuwa ng Archdiocese of Manila Ministry of Family and Life ang bagong encyclical letter ni Pope Francis para sa pamilya.
Ayon kay Father Joel Jason, head ng Manila Archdiocesan Ministry on Family and Life, nakapa-pastoral ang approach ng Santo Papa kaya maging ang ordinaryong mananampalataya o church workers ay kayang unawain ang Amores Laetitia.
Inihayag ni Father Jason na pinagtitibay ng encyclical letter ni Pope Francis ang mga katuraun ng Simbahang Katolika hinggil sa pamilya.
“Nakikita ko dito na great majority of the teaching ay nag-aaffirm ng mga noong panahon ni Pope Benedict, ni St. John Paul 2. Makakatulong ito na pag-ibayuhin pa yung apostolate, yung mga formation na ginagawa na yung coming generation ay ma iinform ng mabuti kung ano talaga ang sinasabi ng simbahan sa mga isyu sa larangan ng family .”pahayag ni Father Jason sa Radio Veritas
Sinabi pa ni Father Jason na layunin ng apostolic exhortation na muling alamin ang kagandahan ng ating bokasyon at pagtugon dito.
“ang apostolic exhortation na ito ni Pope Francis tulad ng title nito na the joy of love ay madiscover at ma rediscover ulit yung kagandahan ng bokasyon natin to love as god love us so the family in the context of the church, in the context of the world how we really love one another.” paglilinaw ni pari
Nilinaw ni Father Jason na binigyan diin ni Pope Francis ang breakdown ng families na hindi nakakatanggap ng tamang formation na dapat magkaroon ng magandang pre-cana program ang mga dioceses para sa mga nag-aasawa.
Tinukoy din sa apostolic letter na pagtuunan ng pansin ng mga diocese ang usapin sa contraception at same sex marraige.
Isa din sa malaking problema na kinakaharap ng pamilyang Filipino maging sa buong mundo ang tumataas na bilang ng teenage pregnancy kung saan naitala ng World Health Organization sa 70 porsiyento ang teenage pregnancy sa Pilipinas na pinakamataas sa Asya.