Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 474 total views

Pabahay

Maraming Pilipino ang nagsasabi na wala silang pagmamay-aring lupa, kahit pa nga lupa sa paso. Kapanalig, ito nga ang reklamo ng marami sa atin dahil ang pabahay sa ating bansa ay tila “impossible dream.”

Ang isyung ito ay mas masidhi sa mga urban areas ng bansa kung saan mabilis na tumataas ang populasyon. Ayon sa “Developing a National Informal Settlements Upgrading Strategy for the Philippines” isang pagsusuri ukol informal settlements sa bansa noong 2014, ang ating bansa ang isa sa mga pinakamabilis sa Asya pagdating sa urbanisasyon. Maliban sa Metro Manila, may lima pang lungsod sa bansa na may populasyon na umaabot sa 750,000. Ito ay Cebu na may  2.3 million ang populasyon; Davao na may dalawang milyon; Cagayan de Oro, na may 1.1 million; Angeles City na may .97 million; at Metro Iloilo-Guimaras, na may 0.79 million. Ayon sa pagsusuri, 80% ng ating GDP ay mula sa mga lugar na ito.

Sa gitna na malaking kontribusyon na ito, lantaran din naman ang pagdami ng mga informal settlements o homelessness.Sinasabing nasa mga 1.5 million o 15% ng ating urban population ay informal settlers.

Bakit nga ba, kapanalig, mataas ang bilang ng informal settlements sa ating mga urban areas?

Isa sa pinakamalaking rason dito ay kahirapan. Marami ang pumipiling tumira sa mga informal settlements dahil malapit ito sa trabaho. Menos gastos kapanalig, sa pamasahe at miski baon. Pangalawa, libre ang pagtira sa mga informal settlements. Sa ganitong paraan, napapahaba ng mga informal settlers ang kanilang pisi.

Isa ring mahalagang rason kung bakit dumarami ang informal settlements ay ang kawalan ng maayos na urban planning. Ang ating mga syudad ay hindi naging handa sa influx ng mga migrants at   pagtaas ng populasyon. Ang espasyo para sa mga tirahan ay nailalaan lamang sa mga may kaya. Kaya nga hindi nakakapagtaka kung bakit sa pagitan at sulok ng mga magagarang subdibisyon ay laging may nakasuksok na informal settlements. Ito ay ebidensya na hindi abot kaya ang presyo ng pabahay, kaya’t kung ano mang maabot na lupa, titirikan na lamang ng barong barong.

Ang pagtanggi ng  maraming mga informal settlers sa paglisan ng kanilang tahanan kapag sila ay pinapa-alis ay  hindi pagmamalaki. Kapanalig, kadalasan ang pagtanggi na ito ay nangangahulugan ng survival. Marami sa mga informal settlers ay lubhang mahirap at walang access sa mga batayang serbisyo pati na rin sa kapital, social security, social networks o makakapitan, pati na rin kaligtasan mula sa mga panganib na kaakibat sa pagtira sa mga danger-prone areas. Sa mga urban centers kung saan mabilis ang buhay, ang eviction ay magdudulot pa ng sukdulang kahirapan.

Kapanalig, ang dami ng mga paraan upang maiayos ang ating mga informal settlements. Una maaring gawin ang slum upgrading kung saan inaayos ang disensyo at anyo ng mga slum areas. Maari ring masubukan ang in-site o near-site relocation. Ang mga ito ay mga lohikal na hakbang. Ang pagpapalayas kasi ng mga slum settlers ay hindi nakakatulong sa mga maralita. Ang eviction sa kanila na walang maayoos na pabahay ay magdudulot lamang ng siklo ng panibagong urban settlements. Alalahanin natin kaya sila nakatira doon ay para survival. Hindi ito malayang pagpili. Ito ay resulta ng “no choice” bunsod ng kahirapan.

Ang Octogesima Adveniens ni  Pope Paul VI ay nagsabi na ang pinakamahina sa atin ang siyang nakatira sa mga “dehumanizing living conditions.” Ito ay nakapanliliit ng pagkato at makasasama sa pamilya. Kahit sinong tao ay hindi ito pipiliin kung meron lamang silang kalayaan pumili.

Ang pabahay ay hindi kayang makamtan ng maralita, lalo pa’t mahal ang access dito, kahit pa upa man lang. Ang estado ay malaki ang responsibilidad ukol dito. Kaya nga’t panawagan ng panlipunang tuto ng Simbahan:  It is the grave duty of those responsible to strive to control this process and to give it direction. Sana’y madinig na ito ng mga kinauukulan upang sila ay kumilos na para sa pabahay para sa lahat.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,169 total views

 6,169 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,153 total views

 24,153 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,090 total views

 44,090 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,283 total views

 61,283 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,658 total views

 74,658 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,286 total views

 16,286 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

GEN Z PROBLEM

 6,170 total views

 6,170 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,154 total views

 24,154 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,091 total views

 44,091 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,284 total views

 61,284 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,659 total views

 74,659 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 85,973 total views

 85,973 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 120,738 total views

 120,738 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 119,723 total views

 119,723 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 132,376 total views

 132,376 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »
Scroll to Top