Palabas ba ang giyera kontra droga?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 216,360 total reads

Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong isang linggo, muling ibinahagi ni dating Senador Antonio Trillanes ang akusasyon niya laban sa pamilya Duterte na may kaugnayan sila sa sindikato ng droga. 

Ano kaya ang nararamdaman ng libu-libong naulila ng mga biktima ng madugong giyera kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa akusasyong ito?

Ayon kay Trillanes, mahigit 181 milyong piso ang ibinigay sa pamilya Duterte ng diumano’y drug lord na si Samuel Uy, isang negosyante mula sa Davao. Sa halagang ito, 22 milyong piso ang ibinigay kay VP Sara, halos 52 milyong piso kay Davao City Mayor Sebastian Duterte, halos 39 milyong piso kay Davao City First District Representative Paolo Duterte, at 53 milyong piso kay Kitty Duterte at sa kanyang ina. Labinlimang milyong piso naman ang ibinigay umano kay dating Pangulong Duterte. Isa si Samuel Uy sa mga top campaign donors ni Pangulong Duterte noong tumakbo ito sa pagkapresidente. 

Dagdag ni Trillanes, may joint bank accounts sina VP Sara at ang kanyang ama, kung saan halos dalawang bilyong piso ang pumasok na pera mula 2003 hanggang 2016. Gayundin, may mahigit 110 milyong pisong transaksyon sa joint account naman nina VP Sara at asawang si Mans Carpio. Lahat ng ito ay hindi raw idineklara ni VP Sara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Kung totoo, paglabag ito sa Saligang Batas at tiwala ng taumbayan. Maituturing itong ground for impeachment. 

Bilyun-bilyong piso ang pinag-uusapan sa paratang ni Trillanes sa pamilyang Duterte at  iniuugnay ang mga ito sa droga, na sentro ng kampanyang binitbit ng administrasyon ng dating pangulo. Sa opisyal na tala ng pamahalaan, nasa anim na libo ang napatay o sadyang pinatay sa mga anti-drug operations ng kapulisan. Pero ayon sa mga human rights groups, nasa tatlumpung libo ang biktima ng giyera kontra droga, kasama ang mga extra judicial killings. 

Noong Huwebes lang, kinumpira ng International Criminal Court Pre-Trial Chamber ang tatlong kaso laban kay dating Pangulong Duterte. Ibig sabihin, nakita nilang mayroong substantial grounds upang dinggin ng ICC ang mga pagpatay na iniuugnay sa kanya dahil na rin sa inilunsad niyang giyera kontra droga. 

Nakaririmarim ang larawang iginuguhit ng mga pangyayari. Kung mapatutunayan, nakinabang ang pamilya Duterte mula sa maruming pera ng iligal na droga habang kinakatay ang maliliit na taong pinaghihinalaang sangkot sa droga. Dumanak ang dugo ng mahihirap at napuno ng takot ang mga komunidad habang nagpapakasasà sila sa maruming kayamanan. Hindi kaya palabas lang ang giyera kontra droga kung saan naging tiket ang buhay ng maraming Pilipino? 

Patuloy ang hamon sa ating mga Kristiyano na alamin at isulong ang katotohanan. Katotohanan ang tunay na magpapalaya sa atin. Kakabit nito ang katarungan o ang pagkakaloob ng nararapat sa bawat tao. Ang katarungan ay pagkilala sa dignidad ng tao, at hindi ito makakamit kung may lamat ang ugnayan natin sa isa’t isa. Panghuli, ang katotohanan at katarungan ay nagmumula sa pag-ibig sa Diyos at sa kapwa. Hinahamon tayo ng pag-ibig na ito na lumabas sa ating mga sarili nang ang katotohanan at katarungan ay lumaganap. 

Mga Kapanalig, hindi “dadaloy ang katarungan” na tinutukoy sa Amos 5:24 hangga’t hindi natin nalalaman ang katotohanan sa likod ng akusasyon sa ating mga lider at hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang mga biktima ng giyera kontra droga. Sikapin nating maging mapagmahal tayong lipunan sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan at paggawad ng katarungan sa mga pinatay. Tapusin na natin ang palabas ng mga naghahari-harian sa ating bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 121,845 total reads

 121,845 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 165,729 total reads

 165,729 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 215,483 total reads

 215,483 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 374,679 total reads

 374,679 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 396,270 total reads

 396,270 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kasaysayang ayaw nating maulit

 121,846 total reads

 121,846 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 165,730 total reads

 165,730 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 215,484 total reads

 215,484 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 374,680 total reads

 374,680 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »
Scroll to Top