Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kilos protesta ng mga nagugutom na magsasaka, isinisi kay Pnoy

SHARE THE TRUTH

 638 total views

Isinisi ni Diocese of Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez kay Pangulong Benigno Aquino III ang lumalawak na pagkilos ng mga magsasakang apektado ng El Niño phenomenon.

Ayon kay Bishop Gutierrez, matagal na nilang ipinanawagan kay Pangulong Aquino na palitan na ang kalihim ng Department of Agriculture (DA) na si Sec. Proceso Alcala dahil sa palpak na proyekto at pagbibigay ng pondo na nakalaan sa mga magsasaka.

Inihayag ng Obispo na hindi nakikinig at walang malasakit ang Pangulong Aquino sa dinaranas na kahirapan sa bansa.

“The root cause the government is not responsive to the needs of people. In other words the government lacks love for the poor, the needy. Noon pa yan ito talagang presidente was not listening to the people. Noon pa yan na sinasabi namin na change the secretary ay ayaw. That is very needed from time being,there should be plant to put up a good government. Ngayon lang stop the hemorrhaging then later on we put cure for this sick government of ours,” pahayag ni Bishop Gutierrez sa Radyo Veritas.

Tiniyak naman ni Bishop Gutierrez na hindi matutulad sa madugong Kidapawan dispersal ang nangyayaring kilos – protesta ng 2 libong magsasaka sa harapan ng tanggapan ng Department of Agriculture sa Koronadal City, South Cotabato upang agarang maibigay ang calamity assistance para sa kanila.

Inihayag ng Obispo na nauna nang tumugon ang city government ng Koronadal sa pangangailangan ng mga magsasaka sa pamamahagi ng bigas sa tulong mga kura–paroko at nagsagawa na rin ng job hiring ang Department of Labor and Employent upang makapagbigay ng alternatibong trabaho sa mga magsasaka.

Batay sa datos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, nasa mahigit P52 bilyong piso ang pondo ng pamahalaan na nakalaan sa pagbibigay ayuda sa mga magsasakang apektado ng El Niño phenomenon.

Sa tala naman Department of Agriculture mahigit 180 libong magsasaka na sa buong bansa ang apektado ng matinding tagtuyot.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 44,828 total views

 44,828 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 82,309 total views

 82,309 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 114,304 total views

 114,304 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 159,031 total views

 159,031 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 181,977 total views

 181,977 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 9,071 total views

 9,071 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 19,563 total views

 19,563 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 64,202 total views

 64,202 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 170,469 total views

 170,469 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 196,283 total views

 196,283 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 212,088 total views

 212,088 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top