62,238 total views
Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) sa University of Santo Tomas.
Tema ng PCNE 10 ang paggunita sa unang dekada ng gawain ang ‘Salya: Let us cross to the other side’ na hango sa ebanghelyo ni San Marcos kabanata apat talata 35.
Sa homiliya, hinikayat ni Cardinal Advincula ang mananampalataya na makiisa sa panawagan ng Panginoon nang pagtawid para sa kapwa, tungo sa pagbabago at pagtagumpayan ang hindi pagkakasundo-sundo.
“Inaanyayahan tayo ni Hesus na magtraslacion, magtraslacion tayo, tumawid tayo sa ibayo, tumawid tayo kasama si Hesus patuungo sa kapwa. Let us cross over, let us go beyond.” bahagi ng homiliya ni Cardinal Advincula.
Dagdag pa ng Cardinal, “Ang pagsalya ay kilos ng pagkakaisa, pagdadamayan, pagbubukluran. Si Hesus ang tumitipon sa atin upang makausad sa traslacion (cross over/pagtawid/pagpapaibayo) at makasulong sa buhay.”
Ang salitang ‘Salya’ ay karaniwang ginagamit ng mga deboto sa traslacion ng Nuestro Padre Hesus Nazareno na nangangahulugan ng bayanihan, at sama-samang pagkilos ng naayon tungo sa iisang layunin.
Pinangunahan naman ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang pambungad na talumpati ang hudyat nang pagsisimula ng three-day conference.
Tampok din sa unang araw ng PCNE ang keynote address ni Vatican Secretary General of the Synod of Bishops Cardinal Mario Grech sa paksang “Synodality—A synodal Church in Mission.”
Pinangunahan naman ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, pro-prefect ng Dicastery for Evangelization ang Heart to Heart Talk kasama ang delegasyon ng Pilipinas sa first monthlong session ng Synod on Synodality sa Vatican noong October 2023.
Kabilang sa mga Pilipinong delegado sa Synod on Synodality sina Cardinal Advincula; CBCP President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David; CBCP Vice President Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, at ang lay theologian na si Dr. Estela Padilla.
Taong 2013 nang unang isinagawa ang PCNE ni Cardinal Tagle na noo’y ang arsobispo ng arkidiyosesis bilang tugon sa panawagang New Evangelization ng simbahang katolika.
With Marian Navales-Pulgo & Reyn Letran-Ibañez