Malaya pero bihag pa rin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 224,092 total reads

Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya?

Para masagot ito, balikan natin ang ilang mga pangyayari kamakailan.

Noong Marso, dahil sa giyera sa Middle East, pumutok ang krisis sa langis kung saan ang mga tsuper, mga magsasaka, at mga mangingisda ang pinakaapektado. Marami sa kanila ang tumigil sa paghahanapbuhay dahil sa pagtaas ng presyo ng langis. Hindi rin bababa sa tatlo ang nabalitang mga transport workers na namatay dahil sa gutom at init ng panahon habang nakapila o naghihintay ng ayuda.

Noong Abril, siyam na sibilyan, kasama ang dalawang menor de edad, ang pinatay sa isang military operation sa Toboso sa Negros Occidental. Laganap pa rin ang impunity (o ang kawalan ng pagpapanagot sa mga pumatay) at red-tagging (o ang pagbansag sa mga aktibista, mamamahayag, at mga nagtatanggol sa karapatang pantao bilang komunistang rebelde).

Nitong Mayo, mahigit 200 na punò ang pinutol sa Quirino Avenue sa Maynila upang bigyang-daan ang isa na namang expressway ng San Miguel Corporation na pinahintulutan ng Department of Environment and Natural Resources (o DENR). Pansamantalang itinigil muna ang pagputol ng mga punò matapos batikusin ng publiko.

Kamakailan, lumabas sa ulat ng Second Congressional Commission on Education (o EDCOM 2) na matindi ang literacy crisis sa bansa matapos mapag-alamang 87% ng mga estudyanteng Grade 11 ang non-independent readers. Ibig sabihin, halos siyam sa sampung mag-aaral na Grade 11 ang hindi maunawaan ang kanilang binabasa.

Sa ulat naman ng World Bank, halos 28% o tatlo sa sampung Pilipino ang nanganganib na mahulog muli sa kahirapan dahil sa kawalan ng financial security. Ibig sabihin, maraming pamilya pa rin ang nasa bingit ng kahirapan o kumikita nang sapat lamang upang manatili sa ibabaw ng poverty line. Ngunit isang bagyo, isang pagkakasakit, o isang trabahong nawala ang maaaring magtulak sa kanila pabalik sa kahirapan.

Sa gitna ng mga ito, tila tumitindi rin ang hidwaan at poot sa pagitan ng mga Pilipino sa usapin ng pulitika. Nakikita natin ito sa mga argumento at bangayan sa social media na madalas ay nagiging batuhan na lang ng mga insulto at pangungutya sa isa’t isa. Inuudyok o pinalalalâ pa ang hidwaang ito ng disinformation at fake news, mga organisadong troll armies, at maling paggamit ng artificial intelligence (o AI).

Ilan lang ito sa mga nakadidismayang kaganapan sa bansa habang patuloy ang sirko sa Senado at ang katiwalian sa gobyerno. Patuloy na nag-aagawan sa kapangyarihan ang mga nasa poder at patuloy na nakalalaya ang mga magnanakaw ng kaban ng bayan, pero patuloy din ang pakikidigma ng karaniwang Pilipino laban sa malalalim na suliranin at karahasang bumibihag sa kalayaan at demokrasya ng bansa.

Bilang mga Pilipino, nararamdaman pa rin ba natin ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga bayani? Masasabi ba nating tunay tayong malaya kung bihag pa rin tayo ng iba’t ibang anyo ng pananakop gaya ng korapsyon at kasakiman ng iilan sa yaman at kapangyarihan?

Mga Kapanalig, tandaan natin ang wika sa Galacia 5:1: “Malaya na tayo dahil pinalaya tayo ni Kristo. Kaya magpakatatag tayo at huwag nang paalipin pang muli.” Bilang mga Pilipino, responsabilidad nating ipaglaban at pangalagaan ang kalayaang pinaghirapan at pinaglaanan ng buhay ng ating mga bayani. Ipaglaban natin ang kabutihang panlahat; ang pagkiling sa mahihirap at isinasantabi sa lipunan; ang pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran; ang makatarungang kapayapaan; ang makabuluhang pakikilahok ng mamamayan sa lipunan; ang dignidad at karapatan ng bawat Pilipino. Hindi lang ito mga panlipunang turo ng Simbahan. Ito rin ang diwa ng pagmamahal sa bayan—ang tunay na magpapalaya sa Pilipinas.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 6,837 total reads

 6,837 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 43,145 total reads

 43,145 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 99,551 total reads

 99,551 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 222,902 total reads

 222,902 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

GUILTY?

 6,838 total reads

 6,838 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 43,146 total reads

 43,146 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 99,552 total reads

 99,552 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top