Mga bisyong tayo rin ang may gawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 228,353 total reads

Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng mga kabataang inuudyukan ang gobyernong protektahan ang kanilang henerasyon mula sa adiksyon sa mga makabagong bisyong ito. 

Kapansin-pansin ang kaliwa’t kanang pagsulpot ng mga vape shops o mga tindahan ng vape. Ang ilan pa nga sa kanila, 24 oras na nakabukás. Nakahilera ang iba’t ibang uri ng e-cigarettes at ang likidong inilalagay sa aparato. Madali ring mabili ang vape sa online. 

De-baterya ang vape, at ito ang nagpapainit sa likido para maging usok o aerosol mist na nilalanghap at ibinubuga ng gumagamit nito. Ang likidong tinatawag din na “e-juice” ay may iba’t ibang flavors na nakaeengganyo—may mga amoy-matamis, may amoy-prutas, at meron ding amoy-inumin. Malayo ang amoy ng mga ito sa nakasanayan ng marami sa atin na sigarilyong masakit sa ilong at nakasusulasok. Itinatago ng mabangong usok ng vape ang nicotine, ang delikadong kemikal na nagbibigay ng masarap at nakakakalmang pakiramdam sa mga naninigarilyo. 

Parang laruan din ang itsura ng mga e-cigarettes. Minsan nga napagkakamalan pa silang ballpen kaya madali itong itago ng mga kabataan sa kanilang mga magulang. Agresibo rin ang pagbebenta nito, lalo na online; gaya ng sa anumang bisyo, ipinipintang “cool” at “in” ang paggamit ng vape. Maliban sa mga ito, ipinalalabas na healthy alternative ang vape sa paggamit ng tradisyunal na sigarilyo. Pinapaniwala ang mga taong ang nilalanghap nilang usok sa vape ay mabangong water vapor lamang at hindi nakaaadik na kemikal. Lahat ng ito, kumikiliti sa interes ng kabataan.

Sa Pilipinas, tinatayang nasa 1.2 milyong kabataan ang gumagamit ng e-cigarettes. Ang bahagdan ng gumagamit ng vape na edad 13 hanggang 15 ay mas malaki pa kaysa sa mga gumagamit ng regular na sigarilyo—14% daw ng mga kabataang nasa ganitong edad ang gumagamit na ng vape. May mga nakalulusot, kung gayon, sa Vape Law o ang Republic Act No. 11900. Sa batas na ito, hindi pwedeng pumasok sa mga vape shops ang mga wala pang edad 18. Dapat may ID na inisyu ng gobyerno ang sinumang bibili ng e-cigarette. Wala dapat vape shop na malapit sa mga eskuwelahan at mga lugar na dinarayo ng kabataan.

Tayong mga nakatatanda ay may tungkuling alagaan ang mga nakababatang henerasyon, pero tayo rin ang nagtatayo ng mga negosyo at industriyang naghihikayat sa mga kabataan na malulóng sa bisyo. Hindi sapat na pagbawalan lamang sila; dapat nating ihinto ang anumang bagay na maglalagay sa kabataan sa kapahamakan. Kumikita nga ang mga nagnenegosyo ng vape, pero ano ang kapalit? Isang henerasyong lulong sa bisyo, inaabuso ang katawan, at walang pagpapahalaga sa kalusugan. Sa Catholic social teaching na Christus Vivit, inuudyukan ang Simbahan at ang lipunan na maghinapis sa mga trahedyang kinakaharap ng kabataan ngayon sa halip na ilihis ang kanilang atensyon nang makalimutan nila ang mga ito.

Pero ito ang ginagawa ng vape at e-cigarettes: inaaliw ng mga ito ang ating kabataan nang makalimutan nila ang kanilang mga problema—mga problemang tayong mga nakatatanda ang may kagagawan. Hinahalina natin sila sa mga bisyong ilalayo sila sa tunay na kahulugan ng buhay, sa mga bagay na magbibigay sa kanila ng kaalaman at kakayahan, at sa mga pangarap na maghahatid sa kanila ng isang magandang kinabukasan.

Mga Kapanalig, sabi nga sa 1 Pedro 2:26, huwag nating gawing dahilan sa paggawa ng masama ang ating kalayaan. Malaya tayong tumuklas ng mga bagay-bagay, lalo na ngayong mas maunlad na ang teknolohiya. Pero hindi lisensya ang kalayaang ito para lumikha ng mga bagay-bagay na ikasisira ng iba, lalo na ng kabataan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 6,873 total reads

 6,873 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 43,180 total reads

 43,180 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 99,586 total reads

 99,586 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 222,933 total reads

 222,933 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

GUILTY?

 6,874 total reads

 6,874 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 43,181 total reads

 43,181 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 99,587 total reads

 99,587 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top