22,475 total views
Inilunsad ng Department of Tourism ang ‘Balik-Bayani sa Turismo Program’ upang paigtingin ang pagsuporta sa kabuhayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na malaking ambag sa ekonomiya ng Pilipinas.
Kapaloob sa programa ang ibat-ibang training program sa mga bumabalik na OFW upang manatili at magtayo ng sariling hanapbuhay sa Pilipinas.
“We, at the Department of Tourism, are committed to ensuring that the growth of this sector is inclusive, especially recognizing the transformative power of tourism as a means to foster unity and national pride in keeping with the role that tourism has always played to help us remember, appreciate, preserve and promote our Filipino culture, take pride in our Filipino identity, and cognizant of tourism’s enormous role as an engine for economic growth, providing livelihood and employment to our fellow Filipinos.” mensahe ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco sa Radio Veritas.
Ilulunsad ng DOT sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas ang mga training sa farm tourism, homestay operations business, culinary tourism, retail business at tour guiding.
Palalakasin rin ng DOT ang pakikipagtulungan sa Department of Migrant Workers upang matiyak na kuwalipikadong OFW ang maging benepisyaryo ng Balik-Bayani sa Turismo Program.
Tiniyak naman ni Hans Cacdac, OIC secretary ng DMW na isusulong at patatagin ang partnership agreement sa D-O-T.
Sa datos ng DMW at Philippine Statistics Authority noong 2022, umabot na sa 1.8-milyon ang bilang ng Overseas Filipino Workers.
Naitala naman noong 2022 sa 36.1-Billion US Dollars ang naipadalang remittances ng mga OFW para sa kanilang pamilya sa Pilipinas.