DOLE, inaming 1.4-M kasambahay ang walang maayos na kontrata sa employers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,476 total views

Pinaigting ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbibigay proteksyon sa mga kasambahay sa Pilipinas.

Mahigpit na ipinapatupad ng DOLE ang ‘Batas Kasambahay’ o Republic Act No.10361 na nagbibigay ng karagdagang proteksyon at pangangalaga sa kapakanan ng mga kasambahay habang namamasukan sa kanilang mga employer.

Tiniyak ni DOLE-Workers’ Welfare and Protection Cluster Undersecretary Benjo Santos Benavidez ang pagpapairal sa batas sa paggunita tuwing January 18 ng ‘Araw ng mga Kasamabahay’ sa Pilipinas.

Ipinangako ni Benavidez sa mga kasambahay na maayos at tama ang matatanggap nilang sahod at benepisyo.

“Lahat po ng serbisyo ng pamahalaan, lahat po ng taong gobyerno ay nakatutok na pangalagaan o proteksiyunan ang karapatan ng mga manggagawa, katulad po ng mga kasambahay, handa po ang pamahalaan na ibigay nang buong-buo ang serbisyo para po sa lahat ng mamamayang Pilipino, lalong-lalo na sa sektor na gaya po ng ating mga kasambahay.” ayon sa mensahe ni Benevidez na ipinadala ng DOLE sa Radio Veritas.

Tiniyak rin ng kagawaran ang pagpapaigting sa programang #ParaSaFutureNik at #SerbisyoParaKayK na nagbibigay karagdagang livelihood training sa mga kasambahay at pagkakataon na maging bahagi ng Pag-ibig Fund, PhilHealth, Social Security System, Department of Social Welfare and Development, Philippine National Police at National Bureau of Investigation.

Gayunman, aminado ang DOLE na umaabot sa 1.4-million ang mga kasambahay na walang maayos na kasunduan o kontrata sa kanilang mga employers.

Patuloy naman ang pakikiisa ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern sa sektor ng mga kasambahay upang makamit nila ang pantay na suweldo at benepisyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 17,089 total views

 17,089 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 50,171 total views

 50,171 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 78,522 total views

 78,522 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 146,252 total views

 146,252 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 168,058 total views

 168,058 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top