Eksperto, nagbabala sa epekto ng ‘monkeypox’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 65,721 total reads

Binigyang linaw ng mga eksperto na malaki ang kaibahan ng hawaan, sintomas, at epekto ng ‘monkeypox’ sa COVID-19.

Aminado si Dr. Tony Leachon, former adviser ng National Task Force against COVID-19, na mababa lang ang tiyansa ng pagkamatay ng mga pasyenteng may monkeypox kumpara sa COVID-19.

Gayunman, nagbabala ang eksperto na maari ring malala ang epekto ng monkeypox na hahantong sa pagkamatay ng pasyente na mahina ang immune system.

“Kaya rarely fatal po hindi kasi katulad ng COVID, lalo na in the first part na it attacks respiratory systems so nahihirapan huminga doon… Ito [monkeypox] kasi ang presentation niya [at] ang pag-atake ay sa skin. Though ang problema lang kung mahina ang immunity mo pwede kang mawala. In fact, ‘yung mga namatay na binanggit natin ay hindi elderly, so ibig sabihin may special population silang inaatake,” pahayag ni Leachon sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ng eksperto na posibleng makahawa ang isang taong may monkeypox kung magkakaroon ito ng skin-to-skin o close physical contact sa kaniyang makakasalamuha.

Maaari ring maipasa ang sakit kapag kumapit sa kahit na sino ang respiratory droplets ng isang taong may monkeypox matapos itong umubo o bumahing.

Ayon sa pag-aaral at obserbasyon ng World Health Organization (WHO), maaari ring magkaroon ng hawaan ng sakit sa pamamagitan ng sexual contact.

Base sa datos, 95% ng kabuuang kaso ay naipasa sa pagkakaroon ng sexual activity at 98% ng mga infected ng monkeypox ay kabilang sa LGBTQ+ community.

Paliwanag naman ni Leachon na walang pinipiling kasarian ang hawaan at kahit sinong may malapit na contact sa infected ng monkeypox o tinutukoy na vulnerable ay maaari pa ring mahawaan.

“Iniingatan po natin na ma-stigamitize po yung kanilang grupo ‘yung LGBTQ, and perhaps siguro kailangan lang natin i-clear with transparency without offending anyone about this kasi hindi naman po ito sakit for everyone,” saad niya.

Kabilang sa mga sintomas ng monkeypox ang lagnat, panghihina ng katawan, pagkahilo, namamagang kulani, at mga rashes sa mukha, dibdib, paa, kamay, at maging sa maseselang bahagi ng katawan.

Sa loob ng isa hanggang tatlong araw na lagnat, ang mga rashes ay magsisimula nang magkaroon ng mga sugat sa balat hanggang sa maglangib ito at tuluyang matuyo.

Ayon sa eksperto, ang paggaling ng pasyenteng may monkeypox ay inaabot lamang ng 21 hanggang 28 araw, mas maikli kumpara sa mga pasyente ng COVID-19.

Pahayag ni Leachon, kinakailangang magkaroon ng mabilis na pagtugon ang pamahalaan sa paghahanda ng posibleng pagbabakuna sa mga infected ng monkeypox bagamat kaunti pa lamang ang kaso nito sa bansa.

“Prevention po ay bakuna, ‘yun pong ginagamit sa smallpox dati, dahil ito po ay same genetic material. 70- 80% ay will be effective against the monkeypox. Kaya lang po, we need to apply for a compassionate use because ‘yung smallpox vaccine ay para sa smallpox [na] gagamitin sa monkeypox,” paliwanag ng eksperto.

Unang inihayag ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng monkeypox sa Pilipinas na 31 taong gulang na pasyente na dumating sa bansa noong July 19 at nagpositibo sa sakit noong July 28.

Iniulat din ng DOH, ang isang Pilipinong nahawaan ng sakit at kasalukuyang nasa isolation sa Singapore General Hospital.

Sa huling tala ng Centers for Disease Control and Prevention, higit 23,000 na ang naitalang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng monkeypox sa buong mundo.

(With Veritas News Intern – Chris Agustin)

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 12,543 total reads

 12,543 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 43,024 total reads

 43,024 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 83,583 total reads

 83,583 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 109,067 total reads

 109,067 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 157,334 total reads

 157,334 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 177,577 total reads

 177,577 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 267,942 total reads

 267,942 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 389,758 total reads

 389,758 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top