Pamahalaan, hinimok ng Obispo na talikuran ang pamumuhunan sa fossil gas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 732 total reads

Igiinit ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na dapat maging prayoridad ng lokal na pamahalaan ng Negros Occidental ang pagsusulong sa renewable energy sa halip na patuloy na mamuhunan sa fossil gas.

Ito ang tugon ni Bishop Alminaza, convenor ng REpower Negros hinggil sa hamon ni San Carlos City Mayor Renato Gustilo sa mga tumututol sa 300 Megawatt liquified natural gas (LNG) project ng San Miguel Corporation sa lalawigan.

Hinamon ni Gustilo ang mamamayan na kung talagang tutol ang mga ito sa fossil fuel ay dapat simulan na rin nilang itigil ang pagtangkilik sa kanilang mga ginagamit na kuryente.

Sang-ayon naman si Bishop Alminaza sa sinabi ng alkalde ngunit ito ang matagal nang panawagan ng mamamayan ng Negros na dapat tutukan ng lokal na pamahalaan.

“That residents of San Carlos and the province have no choice but to rely on dirty energy is something which we have been lamenting about for long, and is precisely the problem that we are asking him to help address,” pahayag ni Bishop Alminaza na siya ring vice chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – NASSA/Caritas Philippines.

Ang Negros Island ay tinaguriang renewable energy capital ng Pilipinas na may power generation plants na lumilikha ng halos 100 porsyento ng malinis na enerhiya.

Iginiit ni Bishop Alminaza na lumilikha ang Negros Island ng malaking kapasidad ng malinis na enerhiya, gayunman hindi ito lubos na nagagamit at napapakinabangan ng mamamayan.

“Allowing LNG to enter our shores diverts our attention from maximizing truly sustainable energy while subjecting host communities and the environment – including the bountiful marine life of Tañon Strait – to pollution and disturbance, as well as an intensifying climate crisis,” dagdag ni Bishop Alminaza.

Matagal nang nananawagan si Bishop Alminaza kasama ang ilang grupo laban sa LNG projects ng San Miguel Corporation gayundin sa hiling na bawiin ang resolution of non-objection (RONO) mula sa Sangguniang Panlalawigan, na hindi makatwirang ibinigay para sa proyekto.

Una nang iminungkahi ni Pope Francis sa kanyang Laudato Si’ ang pagpapalawak ng paggamit sa renewable energy upang matugunan ang kakulangan sa kuryente, at palitan ang mga fossil fuels na nagdudulot ng pagkasira sa kalikasan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 11,656 total reads

 11,656 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 40,988 total reads

 40,988 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 81,547 total reads

 81,547 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 107,263 total reads

 107,263 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 155,530 total reads

 155,530 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 175,823 total reads

 175,823 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 129,635 total reads

 129,635 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top