Prayer intention ni Pope Francis sa mga maliliit na negosyo, pinuri ng EILER

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 862 total views

Ikinagalak ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) ang prayer intention ng Kaniyang Kabanalang Francisco ngayong buwan ng Agosto.

Ayon kay Rochelle Porras, Executive Director ng EILER, higit na kinakailangan ng sanlibutan ang pananalangin ng Santo Papa dahil nararanasan ng Pilipinas at ng buong mundo ang krisis sa ekonomiya.

“The Pope’s Prayer Intention for Micro, Small and Medium Enterprises (MSME) is a source of strength for small, nationalist businesses who are struggling to compete with large, foreign corporations that continue to plunder the resources and exploit the people of poor nations,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Porras sa Radio Veritas.

Inihayag ni Porras na napapanahon ang prayer intention para sa ikabubuti din ng mga manggagawa sa maliliit na negosyo sa Pilipinas.

Ayon kay Porras, kailangan ng mga manggagawa ang pananalangin ng Santo Papa upang mapalakas ang panawagan sa pamahalaan sa pagkakaroon ng national minimum wage, ligtas na lugar sa paggawa at paglikha ng oportunidad upang makapag-trabaho ang mas maraming mamamayan.

“May the Pope continue to keep the working people in his prayers and encourage the Church peoples to be stand in solidarity with the workers and the poor facing injustices under the current economic and political crises,” ayon pa sa mensaheng ipinadala ni Porras.

Nangako naman ang Opisyal ng EILER na ipagpapatuloy ng Institusyon ang pagsusulong ng dignidad ng bawat manggagawa alinsunod sa ensiklikal ni Pope Francis na ‘Fratelli Tutti’ na itinuturo ang pagtutulungan ng may paggalang sa dignidad ng tao.

Ayon sa pinakahuling datos ng Department of Trade and Industry (DTI) noong 2020, mula sa mahigit 958-libong mga rehistradong negosyo sa Pilipinas, 952-libo o 99.5% ng bilang ay mga MSME habang aabot lamang ang sa mahigit 5-libo o 0.49% ang bilang naman ng mga malalaking kompanya.

Ngayong Agosto ay iniaalay ng Santo Papa ang kaniyang Prayer intention para sa ikabubuti ng mga maliliit na negosyo at establisyemento.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 41,048 total views

 41,048 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 64,200 total views

 64,200 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 134,314 total views

 134,314 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 208,928 total views

 208,928 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 285,984 total views

 285,984 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 3,527 total views

 3,527 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top