CBCP-ECHC, pinag-iingat ang mamamayan sa monkeypox

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 499 total reads

Dalangin ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kaligtasan ng bawat isa laban sa iba’t ibang uri ng karamdaman.

Ayon kay Military Bishop Oscar Jaime Florencio, vice chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care, makabubuti pa rin ang wastong pag-iingat at pangangalaga sa katawan upang maiwasan ang pagkakaroon nang malalang karamdaman.

Kaugnay ito sa anunsyo ng Department of Health matapos maitala ang kauna-unahang kaso ng Monkeypox virus sa Pilipinas na nagmula sa isang 31-taong gulang na pasyenteng dumating sa bansa noong Hulyo 19 at nagpositibo sa virus nitong Hulyo 28.

“Alam natin na ang mga ganitong uri ng virus ay laging nand’yan sa ating paligid, hindi po natin masasabi na wala ‘yan, hindi totoo ‘yan. The fact that it is scientifically proven na meron, all that we can do is always make ourselves [aware] that we need to prevent it because alam natin that an ounce of prevention is better than a pound of cure,” pahayag ni Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Karaniwang sintomas ng monkeypox virus ay ang lagnat, panghihina ng katawan, pagkahilo, namamagang kulani, at mga rashes sa mukha, dibdib, paa, kamay, at maging sa maselang bahagi ng katawan.

Paalala naman ni Bishop Florencio na kapag nagkaroon ng anumang sintomas ng monkeypox, mahalaga ang pagiging kalmado at agad na magpakonsulta sa doktor.

“Let us not put this as something as so alarming na hindi tayo makakakilos. This is undercontrol. Mayroon d’yang banta pero we are still in control,” ayon sa Obispo.

Batay sa huling tala ng United States federal agency na Centers for Disease Control and Prevention, nasa higit 23,000 na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng monkeypox sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 113,429 total reads

 113,429 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 157,696 total reads

 157,696 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 207,449 total reads

 207,449 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 366,646 total reads

 366,646 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 388,566 total reads

 388,566 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 190,823 total reads

 190,823 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top