Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kaligtasan ng mamamayan sa pananalasa ng bagyong Karding, panalangin ng mga Obispo

SHARE THE TRUTH

 112,484 total views

Hinimok ng mga Obispo ng Simbahang Katolika ang mamamayan na sama-samang hilingin sa panginoon ang kaligtasan sa banta ng supertyphoon.

Ipinapanalangin ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto ang kaligtasan ng lahat sa pananalasa ng Super Typhoon Karding sa bansa.

Ayon kay Bishop Presto, maliban sa pananalangin, nawa’y manatili rin sa bawat isa ang pagkakawanggawa upang matulungan ang mga higit na maaapektuhan ng sakuna.

Paliwanag ng Obispo na sa pamamagitan ng pagbabayanihan ay maiibsan ang pinagdadaanang hirap ng bawat isa dulot ng pinsala ng bagyo.

“Panatilihin natin ang ating pananalangin sa Diyos na ilayo tayo sa matinding sakuna na idudulot ng bagyo. Malaking bagay ang magagawa ng pagbabayanihan sakali mang maghatid ng malaking pinsala ang bagyo. Lakasan lang din po natin ang ating loob at patuloy na manampalataya sa Diyos.” panalangin ni Bishop Presto.

Pinapaalahanan naman ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang mga maaapektuhan ng bagyo na sumunod lamang sa mga panuntunan ng mga kinauukulan para sa paglikas upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Kasabay naman ng paggunita sa National Migrants’ at National Seafarers’ Sunday ngayong araw, dinadalangin din ni Bishop Santos na walang gaanong idulot na pinsala sa mga ari-arian at buhay ang Bagyong Karding.

“Here, in the Diocese of Balanga aside praying and offering Holy Masses for all of our migrants and seafarers, we pray that this typhoon Karding will not lead us to destruction and death. Let us pray invoking the words of our Lord Jesus,” be still, it is the Lord.”,” ayon kay Bishop Santos.

Iginiit naman ni Jun Cruz, pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na makakatulong ang sama-samang panalalangin ng bawat mananampalataya upang mapanatiling ligtas ang bawat isa mula sa pinsalang maaring idulot ng bagyo.

Nawa ayon kay Bro.Cruz ay biyayaan ng Panginoon ang bawat isa ng karagdagang proteksyon mula sa bagyo.

“Dear Brothers and Sisters, let us come together in prayer asking the Lord for protection for His People. Even now let us ask Him to cast away this typhoon and calm it down by His power, Amen!” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bro.Cruz sa Radio Veritas.

Batay sa huling ulat ng PAGASA, ganap nang naging Super Typhoon ang Bagyong Karding habang papalapit sa kalupaan.

Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 76-kilometro silangan ng Polilio Islands na kumikilos pakanluran sa bilis na 20 kilometers per hour, taglay ang lakas ng hanging aabot ng 195 km/h at pagbugso na 240 km/h.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 67,248 total views

 67,248 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 75,023 total views

 75,023 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 83,203 total views

 83,203 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 98,852 total views

 98,852 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 102,795 total views

 102,795 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 14,179 total views

 14,179 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 97,694 total views

 97,694 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 89,483 total views

 89,483 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 86,087 total views

 86,087 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top