85,191 total views
Naglabas ng pahayag ang Carmelites Monastery ng Cebu laban sa isang eksena ng pelikulang Maid in Malacañang na nagpapakita na ang mga madre kasama ang dating Pangulong Corazon Aquino na naglalaro ng mahjong.
Ayon sa inilabas na pahayag ng Carmelites, ang eksena ay malisyoso at walang katotohanan.
Ipinaliwanag ni Sr. Mary Melanin Costillas-prioress ng Carmelite Monastery na matatagpuan sa Mabolo, Cebu City na ipinapakita sa bahagi ng pelikula na nagawa pang maglalaro ang mga madre gayung nasa panganib ang Pilipinas.
Si dating Pangulong Corazon Aquino ay kinupkop ng mga madre habang pinagtatalunan ang resulta ng snap election noong 1986 sa pagitan ng katunggaling noo’y si President Ferdinand Marcos.
Sinabi pa ng mga madre na sa kabila ng kaakibat na panganib sa pagtulong kay Ginang Aquino, ay umaasa silang tama ang kanilang pasya at panalangin upang matapos na ang umiiral na diktadurya sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Iginiit ng Carmelites nuns na ipinapakita sa pelikula ang pagmamaliit at pag-insulto sa mga madre sa kanilang naging bahagi sa kasaysayan ng pagpapanauli sa demokrasya ng bansa.
“The attempt to distort history is reprehensible. Depicting the nuns as playing mah-jong with Cory Aquino is malicious.The truth was that we were the praying, fasting, and making other forms of sacrifices for peace in this country and for the people’s choice to prevail,”pahayag ng Carmelite Sisters