Itigil ang pagdanak ng dugo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 196,292 total reads

Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril. 

Mahigit anim na raang residente ang napilitang iwan pansamantala ang kanilang tahanan dahil sa pangyayari. Ayon sa militar, lahat ng namatay ay miyembro umano ng New People’s Army (o NPA). Pero may mga nagsasabing hindi bababa sa lima ang sibilyang nadamay sa military operation. Hindi sila kasapi ng NPA.

Ang una ay si Alyssa Alano, isang student leader mula sa UP Diliman na nagsasagawa noon ng pag-aaral tungkol sa kalagayan ng mga magsasaka sa Negros sa gitna ng malawakang pangangamkam ng lupa at militarisasyon. Ang pangalawa ay si RJ Ledesma, isang community journalist na nakababad sa lugar upang mag-ulat tungkol sa epekto ng renewable energy projects sa mga sakahang komunidad. Ang pangatlo ay si Maureen Santuyo, isang organisador ng mga magsasaka at magbubukid sa Negros Occidental upang ipaglaban ang kanilang karapatan sa lupa. Si Errol Wendel ang pang-apat; isa siyang community researcher na nangangalap ng datos para sa ulat tungkol sa sitwasyon ng mga sakada o mga seasonal workers sa mga plantasyon ng tubó. Isang lokal na magsasaka naman mula sa Toboso, si Roel Sabillo, ang panlima. Nagtatrabaho siya sa negosyo ng kanyang kamag-anak nang nangyari ang operasyon ng mga sundalo.

Hindi sila mga numero lamang. Sila ay naghanapbuhay nang marangal at nagserbisyo sa bayan. Karamihan sa kanila ay piniling manatili sa mga sakahang komunidad upang itaguyod ang karapatan at bigyang-boses ang mga isinasantabi at inaapi sa lipunan. Lahat sila, kasama ang iba pang nasawi sa madugong operasyon, ay may dignidad at karapatang mabuhay.

Hindi na bago ang karumal-dumal na trahedya sa Negros. Ayon sa human rights alliance na KARAPATAN, Negros ang rehiyong may maraming kaso ng extrajudicial killings sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr. Sa 135 na mga kaso ng pagpatay mula Hulyo 2022 hanggang Disyembre 2025, 52 ang nangyari doon. Karamihan sa mga pinatay sa Negros ay mga magsasaka at magbubukid.

Kaya nananawagan ang KARAPATAN at iba pang grupo ng agarang imbestigasyon sa mga pagpatay upang mapanagot ang mga maysala. Sa ilalim ng Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity, prayoridad ng pamahalaan ang pagprotekta sa mga sibilyan.

Sa mga kaso ng pagpatay ng pwersa ng gobyerno sa mga sibilyan, paulit-ulit ang nakikita at naririnig nating kwento. Binabansagang komunistang rebelde ang mga biktima; red-tagging ang tawag dito. Wala ring napananagot sa mga pumatay; ito naman ang tinatawag na impunity. Gamit ang fake news, binibigyang-katwiran pa ang pagpatay sa kanila, at ang nakababahala pa, may mga komentong pinagtatawanan at kinukutya pa ang mga biktima at ipinagdidiriwang ang pagpatay sa kanila. Nasaan ang ating konsensya?

Ipinahayag ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na ang armadong tunggalian sa Negros ay nag-ugat sa mga realidad sa sakahan, baybayin, at kabundukan. Nagsimula ito sa kawalan ng lupa ng mga magsasaka sa malalawak na hacienda, sa matinding kahirapan sa mga komunidad na napapaligiran ng kayamanan, sa paulit-ulit na pang-aabuso sa mga manggagawa, sa kawalan ng katarungan para sa mga isinasantabi sa lipunan. Dagdag pa ng obispo, may tunay at makatarungang kapayapaan kung iiral ang hustisya sa lupa at kabuhayan, pakikilahok sa pamamahala, katotohanan at accountability, at pagpapanumbalik sa dignidad ng tao.

Mga Kapanalig, anumang problema o krisis ang nangyayari sa mundo, huwag natin hayaang mawalan tayo ng puso, respeto, at malasakit sa ating kapwa. Gaya ng wika sa Mga Awit 34:14, ating “pagsikapang kamtin ang kapayapaan.” Sa proseso ng pagkamit ng kapayapaang ito, kailangan igawad ang katarungan sa mga biktima. 

Sumainyo ang katotohanan.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 44,399 total reads

 44,399 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 198,979 total reads

 198,979 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 233,652 total reads

 233,652 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 249,552 total reads

 249,552 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 286,040 total reads

 286,040 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 292,783 total reads

 292,783 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 198,980 total reads

 198,980 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 233,653 total reads

 233,653 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 249,553 total reads

 249,553 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 286,041 total reads

 286,041 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top