Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 149,196 total views

Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope).

Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October 7, 2025, marami sa atin ang umaasa na mayroong kakaibang nangyayari sa Philippine politics. Alam niya ang galawan sa sistemang politika ng Pilipinas. Nauunawaan niya ang karakas ng isang pulitiko. Hindi lamang maituturing na prosecutor ang Ombudsman, siya ang constitutional conscience ng gobyerno.

Nag-media rounds pa si Remulla noong Nobyembre at Disyembre 2025. Nagmayabang ang bagong Ombudsman sa mamamayang Pilipino, sa ika-15 ng Disyembre ang mga “big fish” sa multi-bilyong pisong flood scandal ay malalambat at makakasuhan.

Nagdaan ang December 15, 2025.., walang nangyari., natapos din ang January 15, 2026.., wala pa ring nangyari. February 15, 2026., wala pa ring nahuling big fish si Ombudsman. Mag-iisang taon si Remulla bilang Ombudsman, naghihintay pa rin tayo Kapanalig sa kanyang pangako.

Kapanalig, huwag nating isamang tagumpay sa litigation si dating Senador Bong Revilla, kusa itong sumuko
Nakasuhan ang dating partylist representative na si Zaldy Co, pero nahuli ito sa Czech Republic. Sinampahan din ng kaso si Senador Jinggoy Estrada., pero patuloy itong malaya.

Sabit din sa flood control scandal sina Senador Joel Villanueva, dating Senate President Francis Escudero, Nancy Binay at Bong Go., anong nangyari Ombudsman? Bakit parang wala lang nangyari?Sacred cow ba ang mga ito?

Sa investigative reporting ng PCIJ, dawit din sa katiwalian ang Malakanyang, si Congressman Sandro Marcos at nagbitiw na House Speaker Martin Romualdez ang sinasabing may pinaka-malaking “allocable funds”.

Ibinabanggit din ng mga contractor na tumanggap ng milyunes na payola si Congressman Arjo Atayde., ang magkapatid na Eric and Edvic Yap. Sa sworn statement ng mga testigo., tumanggap din ng kickbacks sina Congressmen Jojo Ang, Patrick Michael Vargas, Nikki Briones, Marcy Teodoro, Florida Robes, Eleandro Madrona, Benjie Agarao, Bem Noel, Leody Tarriela at Mitch Cajayon-Uy.
Sabit sa anumalya si dating Budget Secretary Amenah Pangandaman at ex-Undersecretary Adrian Bersamin of the Office of the Executive Secretary.

Nakapuslit din ng bansa si Manuel Bonoan DPWH na may malaking papel sa katiwalian. Bakit tahimik ang Ombudsman? Naduduwag ba ang Ombudsman na banggain ang sinasabing mga big fish?

Kapanalig, ang pananahimik ng Ombudsman sa pagpapanagot sa mga big fish sa flood control scandal ay nagdudulot ng iba’t-ibang espekulasyon. May pino-protektahan ang Ombudsman! Tinutukuran ba ng Ombudsman ang kanyang mga political patron para hindi mabuwal?

Kapanalig, sa bansang talamak ang corruption, tatayo sana ang Ombudsman na “last institutional defense” laban sa mga gahaman sa pera, mga magnanakaw. Kapag patuloy na malaya ang mga guilty at magnanakaw na naman sa ibang araw., ang taumbayan ang magbabayad sa kawalanghiyaan ng mga plunderer.Ombudsman Remulla, hindi po nakakalimot ang sambayanang Pilipino. Ang buong bayan ay nagbabantay Ombudsman kung mananaig ba ang budhi laban sa mga kaalyado.

Kapanalig, ipinaalala ng Proverbs 24: 24-25 “Whoever says to the guilty, “You are innocent,” will be cursed by peoples and denounced by nations. But it will go well with those who convict the guilty, and rich blessing will come on them.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 103,274 total views

 103,274 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 227,685 total views

 227,685 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 268,085 total views

 268,085 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 342,476 total views

 342,476 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Lights! Camera! Action?

 103,275 total views

 103,275 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 227,686 total views

 227,686 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 268,086 total views

 268,086 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »
Scroll to Top