Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,792 total reads

Homiliya para sa Miyerkoles sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay, 29 Abril 2026, Juan 12:44-50

“Ang naniniwala sa akin ay naniniwala sa nagsugo sa akin. Ang nakakikita sa akin ay nakakikita rin sa nagsugo sa akin.” (Jn 12:44)

Matagal ko nang ipinagtataka kung bakit dito lang sa ebanghelyo ni San Juan parang kakaiba kung magsalita si Jesus. Kina San Markos, Mateo at Lukas, madalang tayong makarinig ng mga sitwasyon na hayagang nagpapakilala si Jesus bilang Kristo o Mesiyas, o Hinirang na kumakatawan sa Diyos, o bilang Anak ng Diyos na kumakatawan sa Diyos Ama.

“Messianic secret” and tawag ng mga bible scholars sa pag-iwas na ito ni Jesus sa mga nag-uugnay sa kanya sa Mesiyas, lalo na sa ebanghelyo ni San Markos. Doon nga kay San Markos, mga dimonyo lang ang tumutukoy sa kanya nang ganito at hayagan at pinatatahimik sila ni Jesus.

Kay San Juan—hayagang sinasabi ni Jesus na siya ang Tinapay ng Buhay, ang Ilaw ng Mundo, ang Mabuting Pastol, ang Pintuan, ang Daan, Katotohanan at Buhay, Ang Muling Pagkabuhay, at ang Puno ng Ubas. Hayagan din niyang sinasabi na siya ay Anak ng Diyos.

Kay Jesus ba talaga nagmula ang mga salitang ito, o sa manunulat ng ebanghelyo? Sinabi ba talaga ni Jesus ang mga ito, o ito ba’y mga pahayag ng pananampalataya ng ebanghelistang si San Juan tungkol kay Jesus, pero inilagay niya sa bibig mismo ni Jesus?

Importanteng itanong ito dahil alam nating marami nang mga lider ng mga kulto na nagsulputan sa nakaraan, at maging sa kasalukuyan na gumagaya sa kanitong uri nga pagsasalita. Na sila daw mismo ang “Appointed Son of God”, “Owner of the Universe”, “Savior of the Gentiles”, “The Final Revealer.” Delikado talaga kapag gumaya ang mga hibang at ilusyonado sa ganitong klase ng pagsasalita. Yung iba gumagawa pa ng poster ng sarili nila sa social media na kahawig ni Jesus. Divine Healer daw sila.

Ang pagbasa natin sa ebanghelyo sa araw na ito, lalo na ang v. 44 ng John chapter 12 ang nagpalinaw nito sa akin. Shaliah—ito ang salitang Hebreo para sa konsepto ng kaugnayan at pagkakaisa ng isinugo sa nagsugo sa kanya. Kung tutuusin, naroon din ang konseptong ito kina San Mateo at San Lukas. Sa Mat 10:40, sabi ni Jesus, “Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap din sa akin; at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap din sa nagsugo sa akin.” Ganyan din sa Lukas 10:16, “Ang makinig sa inyo ay nakikinig din sa akin; ang magtakwil sa akin ay nagtatakwil din sa nagsugo sa akin.”

Sa tingin ko, ito ang nagpalakas ng loob kay Juan para magsalita rin sa ngalan ng nagsugo sa kanya bilang apostol. “Kung si Jesus ay kinatawan ng Ama na nagsugo sa kanya, ako rin ay kinatawan ni Jesus na nagsugo sa akin.” Totoo naman na ang misyon ng mga alagad at misyon ng Kristong nagsugo sa kanila ay iisa. Magagawa daw ng sugo ang lahat ng gawain ng nagsugo sa kanya, pero lahat magagawa lang niya SA NGALAN NIYA.

May ipinapalagay si San Juan sa pangungusap na ito: ang “communion”, o pagkakabuklod ng puso at diwa ng sugo at nagsusugo sa bisa ng kaloob niyang Espiritu Santo. Kaya napakahalaga ng pagkilatis kung Espiritu Santo ba o masamang espiritu ang kumikilos sa ibang mga taong gumagamit din sa Ngalan ni Kristo at nagpapakilala bilang kanyang mga kinatawan.

Katulad ng nangyayari ngayon sa America: iisa lang naman ang Kristong sinasampalatayanan ng mga Kristiyano, pero magkasalungat sila ng sinasabi sa usapin ng pulitika, giyera, karahasan at pagtrato sa mga dayuhan. Kahit si Jesus sinabi niya: “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, Panginoon, Panginoon! ay makapapasok sa kaharian ng Diyos.”

Inihalintulad niya ang dalawang tipo ng mga alagad na gumagamit ng kanyang pangalan sa dalawang tipo ng nagtatayo ng bahay: ang isa ay nagtayo sa buhanginan at ang isa ay nagtayo sa bato.
Ang isa ay madaling gumuho pagdating ng bagyo at mga pagsubok, at ang isa ay nananatiling matatag dahil nakatayo sa pundasyon ng matibay na relasyon o pagkakaisang puso at diwa ang sugo sa nagsugo sa kanya.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 15,739 total reads

 15,739 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 5,091 total reads

 5,091 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 86,758 total reads

 86,758 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 180,983 total reads

 180,983 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 241,472 total reads

 241,472 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 255,120 total reads

 255,120 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

THE “SON OF MAN”

 3,046 total reads

 3,046 total reads Homily for the 21st Sunday in Ordinary Time, 23 August 2026 Matthew 16:13–20 We need to do a little Bible study for a

Read More »

LOVE YOUR NEIGHBOR AS YOURSELF

 3,933 total reads

 3,933 total reads Homily for the Last Day of the Novena Mass of Mary the Queen Parish, Friday, 21 August 2026 Ezekiel 37:1–14; Matthew 22:34–40, Votive

Read More »

SINO?

 18,193 total reads

 18,193 total reads Homiliya para sa Ika-18ng linggo ng Karaniwang Panahon, 2 Agosto 2026, Mateo 14:13-21 Ang kulturang Pinoy ang makapagpapaunawa sa atin sa eksenang inilalarawan

Read More »

PAGSASAAYOS

 17,832 total reads

 17,832 total reads Dalawang talinghaga ang pagbasa sa ebanghelyo: ang mangingisda at ang maybahay. Parehong may kinalaman sa pagpili. Pagpili ng mangingisda sa mga nahuli ng

Read More »
Scroll to Top