40th Sacerdotal anniversary, ipinagdiwang ni Bishop Alminaza sa tree planting

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,933 total reads

Ipinagdiwang ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang kanyang ika-40 Sacerdotal Anniversary sa pamamagitan ng isang makabuluhang ritwal ng pagtatanim ng apat na punong Narra, na sumasagisag sa pananampalataya, pag-asa, at sama-samang misyon ng Simbahan.

Ayon kay Bishop Alminaza, ang simpleng gawain ay may malalim na kahulugan para sa Simbahan at sa kalikasan na nagpapakita ng paninindigan ng pananampalataya at responsibilidad.

“Four narra seedlings. Four hands representing the Church—bishop, clergy, parish priest, and laity. Four trees for forty years of grace,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Binigyang-diin ng obispo na ang pagtitipon ay hindi lamang paggunita sa nakaraan kundi pagtanggap ng hamon para sa hinaharap.

Ipinaliwanag ni Bishop Alminaza na ang bawat punong itinanim ay sumasagisag sa iba’t ibang bahagi ng Simbahan—ang obispo bilang tanda ng matatag na pagpapastol, ang vicar for the clergy bilang paalala ng sama-samang paglilingkod, ang parish priest na nakaugat sa araw-araw na buhay ng komunidad, at ang parish pastoral council coordinator bilang tinig at misyon ng layko.

Pagbabahagi pa ng obispo na Narra ang kanyang napiling itanim dahil sa katatagan at pangmatagalang paglago nito.

“We chose narra—not because it grows fast, but because it grows strong. It will take years before it gives full shade. It will endure storms before it becomes a shelter. And that is the point. Because faith is not instant. Hope is not automatic. Justice is not immediate. They must be planted. They must be cared for. They must be lived,” ayon sa obispo.

Iniugnay naman ni Bishop Alminaza ang ritwal sa hamon ng lipunan at Simbahan sa kasalukuyan, at binigyang-diin na sa gitna ng kahirapan, karahasan, at pag-abuso sa kalikasan, nananawagan ang Simbahan na huwag manatiling walang pakialam, sapangkat ang pagtatanim ng puno ay paniniwala sa kinabukasan at pag-asang pinaghahatian.

Umaasa ang obispo na sa kanyang 40 taong paglilingkod sa mananampalataya ay lalo pang maging matatag at mamunga ang kanyang misyon para sa pananampalataya at kalikasan.

“Four trees for forty years…. Not loudly. Not perfectly. But faithfully. They planted not just trees—they planted hope,” saad ni Bishop Alminaza.

Inordinahan bilang pari si Bishop Alminaza noong April 29, 1986; hinirang ni Pope Benedict XVI bilang Auxiliary Bishop ng Archdiocese of Jaro noong May 29, 2008, at naging obispo ng Diocese of San Carlos noong September 14, 2013.

Kasalukuyan din siyang naglilingkod bilang chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace at pangulo ng Caritas Philippines.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 4,172 total reads

 4,172 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 14,194 total reads

 14,194 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 55,227 total reads

 55,227 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 89,354 total reads

 89,354 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 145,760 total reads

 145,760 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 178,081 total reads

 178,081 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top