Apostolic Nuncio to the Philippines, humanga sa Museo Kardinal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,039 total reads

Personal na bumisita si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, kasama ang kanyang delegasyon sa Museo Kardinal bilang bahagi ng kanyang naging pastoral engagements sa Diyosesis ng Kalibo.

Sa kanyang pagbisita, ipinahayag ni Archbishop Brown ang pagpapahalaga sa layunin ng museo na mapanatili at maitaguyod ang pananampalataya at kasaysayan ng Simbahan.

Ibinahagi rin ng Nuncio ang kanyang positibong impresyon sa mga exhibit, na mahalaga sa pagpapalalim ng kamalayan ng komunidad sa kanilang kasaysayan at debosyon.

Kaugnay nito hinihikayat ni Archbishop Brown ang publiko na bisitahin ang Museo Kardinal sa New Washington, Aklan, na inialay sa yumaong si dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin.

Sa kanyang pagbisita, ibinahagi ng nuncio ang kanyang kagalakan at paghanga sa museo na nagpapakita ng mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Simbahan sa bansa.

“I’m very happy as the Apostolic Nuncio here in the Philippines to visit the museum dedicated to Cardinal Sin here in New Washington, Aklan. I’ve just finished my visit to the museum, which is incredibly impressive. And let me just invite all of you who are watching this video to think about making a visit to the museum to see the amazing legacy of this great deal of the history of the church in the Philippines, one who was known for his courage, for his intelligence, for his pastoral sense.” Bahagi ng mensahe ni Archbishop Brown.

Binigyang-diin din ng Arsobispo ang kahalagahan ng pamana ni Cardinal Sin, na kilala sa kanyang katapangan, talino, at malasakit sa pastoral na paglilingkod.

Ayon pa sa kinatawan ni Pope Leo XIV sa bansa, ang pagbisita sa museo ay nakapagbibigay inspirasyon at mas malalim na pag-unawa sa ambag ni Cardinal Sin hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong Simbahang Katolika.

“Cardinal Sin was someone who really was an amazing influence for the Universal Church. So for me as the Pueblo Nuncio, as the representative of Pope Leo XIV in the Philippines, it gives me a lot of joy to visit this museum and to encourage all of you to make a visit also. God” Dagdag pa ni Archbishop Brown.

Ang Museo Kardinal ay itinatag upang mapangalagaan ang legasiya at maganda halimbawa ng buhay at paglilingkod ni dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin na tubong Aklan, na hindi lamang nagpamalas ng pambihirang paglilingkod bilang pastol ng Simbahang Katolika kundi mariin ding nagsulong ng katarungang panlipunan at demokrasya ng bansa noong panahon ng Martial Law.

Si dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin ay nakilala rin sa buong daigdig bilang isa sa mga mukha ng tinaguriang ‘bloodless revolution’ nang manawagan ang Cardinal sa mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng Radio Veritas na magtungo sa EDSA upang isulong ang demokrasya ng bansa sa panahon ng diktadurya.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 4,168 total reads

 4,168 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 14,191 total reads

 14,191 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 55,224 total reads

 55,224 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 89,351 total reads

 89,351 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 145,757 total reads

 145,757 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 4,169 total reads

 4,169 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top