Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 172,261 total reads

Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag!

Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na inihain laban kay Vice President Sarah Duterte na ang pamilya ay mga “drug lord protector”.

Sa impeachment hearing, inilahad ni dating Senador Antonio Trillanes IV na ang pamilya Duterte ay tumanggap ng P181.6 million (protection money) mula sa pinaghihinalaang drug lord na si Samuel “Sammy” Uy, na kilalang business partner ni Michael Yang na nasangkot sa Pharmally Pharmaceutical Corporation at POGO scandals mula 2011-2013 sa pamamagitan ng cashier at personal check.

Para patunayang nagsasabi si Trillanes ng totoo, ipinakita nito ang bank transactions na si Vice President Sara Duterte ng P22.32 million-piso na kinabibilangan ng tatlong bank transactions. Si Davao City Mayor Sebastian Duterte ay tumanggap ng P51.58 million piso sa loob ng limang transactions. Si Davao City 1st District Representative Paolo Duterte ay P38.81 million-piso ang inilagak sa kanyang bank account. Maging si Honeylet Avanceña and Kitty Duterte ay nagkamal din ng P53.28 million habang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nahaharap ngayon sa kasong crime against humanity sa The Hague, Netherlands ay tumanggap ng P15.66 million piso. Ang milyunes na drug money ay mula lahat kay Uy.

Totoo ba ito Kapanalig? Sa impeachment hearing, kinumpirma ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na tumanggap sila ng report mula sa mga bangko na mayroong dalawang (2) bank transaction sa account ni VP Duterte mula kay Uy na nagkakahalaga ng 14.8-milyong piso noong 2011-2012.

Sinasabi ni Trillanes na “drug partners” ang dating pangulong Duterte noong ito’y alkalde ng Davao, Michael Yang at Sammy Uy.

Kapani-paniwala ba o hindi ang alegasyon sa pamilyang Duterte?

Kapanalig, kinumpirma din ng AMLC na mayroong kuwestiyunable at kaduda-dudang bank transaction na pumasok sa bank accounts nina VP Duterte at asawang si Mans Carpio na nagkakahalaga ng 6.7-bilyong piso mula 2006 hanggang taong 2025.

Ayon sa AMLC, kabilang ang 230.87-milyong pisong bank transaction o cash deposits mula 2019 hanggang 2014 na hindi idineklara ni VP Sara sa kanyang Statements of Assets of Liabilities and Network o SALNs.

Kapanalig, bakit mayroong bilyun-bilyong piso na pumapasok sa bank accounts ng pamilya Duterte? Saan ito kinukuha? Para saan ang napakalaking halaga ng salapi? Anong klaseng negosyo mayroon ang pamilya Duterte, Michael Yang at Sammy Uy?

Kapanalig, noong pumasok sa pulitika si VP Sara noong 2007; ang kanyang networth ay 7.25-milyong piso. Taong 2025, lumobo ito sa 6.7-bilyong piso. Napakaganda palang propesyon ang pulitika?

Kapanalig, ipinapaalala ng “1 Timothy 6:10– “For the love of money is the root of all kinds of evil. And some people, craving money, have wandered from the true faith and pierced themselves with many sorrows.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 47,878 total reads

 47,878 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 85,265 total reads

 85,265 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 120,564 total reads

 120,564 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 346,834 total reads

 346,834 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 237,489 total reads

 237,489 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Just energy transition sa Semirara

 47,879 total reads

 47,879 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 85,266 total reads

 85,266 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 120,565 total reads

 120,565 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 346,835 total reads

 346,835 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »
Scroll to Top