BIR sealed box, hindi na bubuksan ng house panel

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,843 total reads

Hati ang House Justice Commitee na buksan ang selyadong kahon na naglalaman ng mga dokumento ng income tax return ni Vice President Sara Duterte at asawa niyang si Atty. Manases Carpio.

Ayon kay Rep. Laurence Defensor at ML Partylist Representative Leila de Lima, marapat na buksan ang kahon upang masuri at matukoy ang katotohanan at maikumpura sa naging ulat ng Anti-Money Laundering Council.

Ayon pa kay Defensor, ang nilalaman ng selyading kahon ay maaring magpatibay ng probable cause ng impeachment case ng Bise Presidente o pumabor sa panig ng Bise Presidente.

Sa panig naman ni Manila Rep Bienvenido Abante, kinakailangan ang prudence o tamang pagpapsya ng komite lalu’t si Atty. Carpio ay isang pribadong indibidwal na dapat kilalanin ang right to privacy.

Giit pa ni Abante, hayaan na lamang ang paglilitis sa Senado upang maisiwalat ang nilalaman ng kahon.

Ang dokumento ay una na ring pina-subpoena ng justice panel, kaugnay sa pagpapatuloy ng impeachment proceeding laban sa Pangalawang Pangulo.

Sa ginawang botohan, 6 ang pumabor na buksan ang kahon, habang 38 naman ang hindi naman sumang-ayon.

Pinagtibay naman ng komite na mananatili ang ‘sealed box’ sa kustodiya ng Kamara.

Kabilang sa dumalo sa huling araw ng pagdinig ng Kamara sina Atty. Melvin Matibag – Director, National Bureau of Investigation (NBI); at Agent John Mark Calilung, Cybercrime Division, NBI.

Gayundin ang mga kinatawan ng
Saballa et al complaint na sina Atty. Amando Ligutan, Atty. Stephen Magallo -bilang mga counsels at complainants na sina Fr. Joel Saballa, Fr. Rogelio Rosario, MJ, Sr. Geraldine Denoga D.C., Ms. Pinky Tam at Fr. Joselito Sarabia, CM.

Bukod sa usapin ng pagbubukas ng kahon, partikular na tinalakay sa huling araw ng impeachment proceedings ang sinasabing ‘kill plot’ ni VP Duterte laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 125,469 total reads

 125,469 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 157,199 total reads

 157,199 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 259,026 total reads

 259,026 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 299,583 total reads

 299,583 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 314,873 total reads

 314,873 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top