VeritasPH

The Word, The Truth

Wala sa ating mga kamay ang batas

SHARE THE TRUTH

 307 total views

Mga Kapanalig, ang graduation o ang Araw ng Pagtatapos ang pinakahihintay at pinaka-importanteng araw para sa mga estudyante matapos ang maraming taon ng pag-aaral. Ngunit noong ika-24 ng Hulyo, nabalot ng takot ang dapat sana ay masayang okasyon para sa mga magtatapos sa Ateneo Law School.

Isang insidente ng pamamaril ang naganap sa loob ng Ateneo de Manila University sa Quezon City. Kinilalang si Chao-Tiao Yumol, isang doktor, ang bumaril at pumatay sa dating alkalde ng Lamitan City sa Basilan na si Rosita “Rose” Furigay. Nabaril at namatay din ang executive assistant ng alkalde na si Victor Capistrano at ang security guard ng Ateneo na si Jeneven Bandiala. Sugatan naman ang anak ni Furigay na magtatapos sa araw na iyon. Nahaharap sa tatlong counts ng murder at frustrated murder si Yumol. Sinampahan din siya ng kasong paglabag sa Anti-Carnapping Act of 2016, Comprehensive Law on Firearms and Ammunition, at malicious mischief.

Ang nakababahala sa pangyayaring ito, nagawa pang purihin ng ilan nating kababayan ang ginawa ni Yumol. Sa isang social media scan na ginawa ng Rappler, lumabas na 56.6% ng mga posts sa Facebook at 45.5% ng mga videos sa YouTube na tungkol kay Yumol ay puro pagpapahayag ng pagsuporta o pakikiramay sa kanya. Ang mga posts, kasama na ang mga comments sa social media, ay halos puro pagpupuri sa kanya. Isa raw “bayani” si Yumol dahil sa paglalantad daw niya sa katiwalian at talamak na kalakalan ng ilegal na droga sa Lamitan. Ayon sa abogado ng pamilya Furigay, taong 2018 pa may personal na galit si Yumol sa dating alkalde matapos ipasara ng lokal na pamahalaan ang klinika niya dahil walang kaukulang permit ito. Lumabas ding sinampahan ni Furigay ng mahigit pitumpung kaso ng cyber libel si Yumol dahil sa mga paratang ng huling sangkot umano sa ilegal na droga ang mga Furigay. Ito na yata ang impluwensiya ng nakaraang administrasyon nang umpisahan nito ang madugong war on drugs—tila normal na ang pagpatay upang tugunan ang mga problema ng ating lipunan.

Maliban sa inilagay niya ang batas sa sarili niyang mga kamay, hindi katanggap-tanggap ang ginawang pagpatay ni Yumol dahil pagyurak ito sa dangal-pantao. Isa lang ang malinaw: walang lugar dapat ang karahasan sa mundong ginawa ng Diyos. Anuman ang dahilan, hindi kailanman tama ang pumatay. Walang sinuman sa atin ang may lisensyang kumitil ng buhay ng ating kapwa. Sinasabi rin sa mga panlipunang turo ng Simbahang ang kapayapaan ay bunga ng katarungan at pag-ibig. Nanganganib ang kapayapaan kapag hindi naibibigay sa tao ang nararapat sa kanya, kapag walang paggalang sa kanyang dignidad, at kapag hindi tungo sa kabutihang panlahat ang mga patakaran at hakbang ng mga namumuno. Mahalaga para sa isang mapayapang lipunan at kabuuang pag-unlad ng mamamayan ang pagtataguyod ng karapatang pantao.

Hindi kailanman magiging makatwiran ang anumang dahilan ni Yumol upang patayin ang dating alkalde, lalo na’t nadamay pa ang ibang taong ginagawa lang ang kanilang trabaho at mga taong ipinagdiriwang ang kanilang espesyal na araw.

Mga Kapanalig, naninindigan ang ating Simbahang kailanman ay hindi solusyon ang karahasan at pagpatay dahil dinadagdagan lang nito ang mga problema sa lipunan. Maaaring humingi ng katarungan nang hindi pinipili ang karahasan at hindi buhay ang ginagawang kapalit. Sa mga kababayan nating ipinagtatanggol pa ang ginawa ng doktor, pagnilayan nawa natin ang tanong ng Diyos sa Mga Awit 82:2, “hanggang kailan kayo hahatol ng hindi tama? Hanggang kailan ninyo papaboran ang masasama?” Hindi ba taliwas ang ginawang dahas ni Yumol sa panata ng mga katulad din niyang doktor na “do no harm”? Kailan pa naging tama ang pumatay ng tao?

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 13,773 total views

 13,773 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 21,818 total views

 21,818 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 26,898 total views

 26,898 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 32,604 total views

 32,604 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 41,392 total views

 41,392 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 13,774 total views

 13,774 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 21,819 total views

 21,819 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 26,899 total views

 26,899 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 32,605 total views

 32,605 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 41,393 total views

 41,393 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,852 total views

 40,852 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,166 total views

 55,166 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,856 total views

 58,856 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,459 total views

 57,459 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,446 total views

 67,446 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,414 total views

 71,414 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,301 total views

 82,301 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,740 total views

 94,740 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,498 total views

 105,498 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,751 total views

 52,751 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top