Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 181,746 total reads

Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras? 

Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte, nagawa raw ng Office of the Vice President na magpamudmod ng 125 milyong piso sa loob ng 24 oras! 

Sinabi ito ni Ramil Madriaga sa pagdinig na ginawa ng House Justice Committee tungkol sa mga impeachment complaints laban kay VP Sara. Dinala raw ang pera sa iba’t ibang lugar: sa isang probinsya, isang comedy bar, at maging sa parking lot ng Office of the Ombudsman.

Bahagi ang pagdinig ng paglilinaw sa mga isyung nakapaloob sa mga impeachment complaints laban sa bise presidente. Kabilang dito ang umano’y maling paggamit ng confidential funds, hindi pagdedeklara ng kumpletong Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN), panunuhol, pagbabanta sa buhay ng mga opisyal, at iba pang posibleng paglabag sa Konstitusyon.

Mariing itinanggi ng bise presidente ang mga paratang ni Madriaga, at sinampahan ang testigo ng kasong perjury. Inakusahan din niya si Madriaga na konektado umano sa isang kidnap-for-ransom group, kaya kaduda-duda raw ang kredibilidad nito. Pero dahil hindi pa nahahatulan si Madriaga para sa anumang krimen, umiiral ang presumption of innocence. May karapatan pa rin siyang magbigay ng testimonya.

Mahalaga ring tandaan na may mga mekanismo ang ating mga institusyon upang salain ang katotohanan mula sa mga testigo. Halimbawa, ang pagsasalita sa ilalim ng panunumpa ay hindi basta pormalidad; ang pagsisinungaling ay may kaakibat na mabigat na parusa. Bukod dito, nag-waive ng bank secrecy si Madriaga upang masuri ang mga financial records niya bilang bahagi ng imbestigasyon. Dito pumapasok ang due process o ang paghahanap ng corroboration at ang pagtiyak na ang bawat pahayag ay may sapat na ebidensya.

Hindi rin naman umiikot ang buong kasong impeachment sa iisang testigo. Ayon sa isang kongresista, may iba pang ebidensyang maaaring tumindig kahit wala ang testimonya ni Madriaga. Isa na rito ang ulat ng Commission on Audit (o COA), na naglabas ng Notice of Disallowance para sa mahigit 73 milyong piso mula sa confidential funds ng Office of the Vice President noong 2022. Ibig sabihin, nakita ng COA na ang ilang gastusin ng opisina ay maaaring “irregular, unnecessary, excessive, extravagant, or unconscionable.”

May pagkakataon na si VP Sara na ipagtanggol ang kanyang sarili at sagutin ang mga paratang laban sa kanya. Ito na ang hinihingi niyang “bloodbath.” Pero kapansin-pansin naman ang kanyang pagliban sa mga hearings ng House Committee on Justice. 

Pamumulitika ang tingin ng iba sa impeachment, pero makita rin sana ito bilang pagpapanagot sa mga pinagkakatiwalaan nating pangasiwaan ang pondo ng bayan. Kung nagagalit tayo sa mga isyung katulad ng katiwalian sa mga flood control projects, dapat magalit din tayo sa anumang alegasyon ng maling paggamit ng confidential funds at pagbubulsa nito ng mga dapat naglilingkod sa taumbayan. 

Ang paninindigan para sa katotohanan ay hindi lamang usaping legal—ito rin ay usaping moral. Ipinapaalala ni Pope John XXIII na ang ugat ng kaguluhan ay ang kawalan ng kaalaman sa katotohanan, o ang pagtanggi rito kapag ito ay natuklasan na. Kung nais natin ng tunay na kaayusan at kaunlaran, kailangan nating pahalagahan at ipagtanggol ang katotohanan.

Mga Kapanalig, kapag milyun-milyong pisong pondo ng bayan ang pinag-uusapan, kailangan ang malinaw na sagot. Kung may katotohanan ang mga alegasyon ni Madriaga, malaking kasalanan ang paggamit ng pondo ng bayan para sa personal na kapakinabangan. Sinasabi sa Mga Kawikaan 10:9, “Ang namumuhay nang tapat ay pinaghaharian ng kapayapaan, ngunit ang may likong landas ay malalantad balang araw.” Hayaan nating umusad ang proseso. Hayaang magsalita ang ebidensya. Magtiwala tayong mananaig ang katotohanan at hustisya.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 43,206 total reads

 43,206 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 93,255 total reads

 93,255 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 141,126 total reads

 141,126 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 245,075 total reads

 245,075 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 328,976 total reads

 328,976 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 43,207 total reads

 43,207 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 93,256 total reads

 93,256 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 141,127 total reads

 141,127 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top